Chapter 13

1.1K 54 0
                                    

Chapter 13



Bodega

"Queen A,tumakbo ka na!"
Rinig kong sigaw ni Clark.

Napalingon ako sa boses ni Clark.

"Clark!"
Sigaw ko.

Lalapit sana ako papunta sa kanya pero pinosasan ako ni Luke.F*ck.

"Ayaw kitang kalabanin,pero sige pagbibigyan kita."
Sabi ko at patalikod ko syang inapakan sa paa kaya nabitawan nya ang mga kamay kong pinonasan nya.

Mabilis akong tumakbo kay Clark na hawak ngayon ni Parrot.Kilalang kilala ko sya kasi kitang kita ko yung tattoo nya.

Hindi nakakilos agad si Parrot dahil sa pagsipa ko sa paa nya.Hindi naman nagsayang ng oras si Clark at mabilis nyang tinanggal ang posas gamit ang susing kinuha nya kay Parrot.

Mabilis kong kinuha ang granadang nasa likod ko.Tatakutin ko lang sila hindi ko naman talaga papasabugin to.

"Sige!Subukan mong iputok yang baril mo!Sama-sama tayong mamamatay sa lugar na to!"
Sigaw ko habang hawak-hawak ang granada.

"I-Ibaba mo na,pre."
Sabi ni Aldus na sinunod naman ni Luke.

Mabilis kaming tumakbo ni Clark papalabas ng building.

"P-Paano ka n-nahuli?"
Hingal na tanong ko kay Clark.

"Tsk,ayaw ko nang pag-usapan.Ang mahalaga nakatakas tayo.Hindi pa nila ako pwedeng hulihin.Kailangan ko pang pabagsakin ang Ahensyang yon."
Seryosong sabi ni Clark.

Hanggang ngayon,isa pa ring misteryo kung sino nga ba si Clark.Hindi ko talaga alam kung anong dahilan kung bakit sya blinackmail ni Boss.

Oo matagal na kaming magkasama pero siguro hindi talaga sya handa para pagusapan ang bagay na iyon.

Kasalukuyan akong nasa bodega ng bahay ni Clark.Hindi ko alam kung bakit dito pa talaga itinago ni Clark yung mga gamit ko.Dito talaga sa madilim na bodega na to?

"Hey,Rhyd!"
Rinig kong boses ng isang lalaki.

Rhyd?Sino si Rhyd?

Binalewala ko na lang ang boses ng lalaki at pinagpatuloy ang paghahanap sa mga gamit ko.Hay,nako naman talaga.Nagkalat kalat na ang mga gamit ko.

"Rhyd!Nasaan ka ba?!Nasa baba ka ba?"
Boses ulit ng lalaki ang narinig ko mula sa itaas.

Rinig ko ang mga yapak nya papunta dito.Sino ba kasi itong lalaking ito?Si Clark lang naman ang alam kong nakatira dito.

O,baka naman may kapatid si Clark?Tapos Rhyd ang pangalan?

Nevermind.Hinayaan ko na lang yung lalaki at hinanap ang pares ng isa kong sapatos.Rinig kong bumukas ang pinto ng bodega.

"Hey,Rhyd.Kanina pa kita tinatawag---who are you?"
Tanong nito sa akin.

Tumayo ako ng maayos tsaka ko itinapat ang flashlight sa lalaki.Natigilan ako.Namamalik mata lang ba ako o si Dylan talaga yung nakikita ko?

"Hey,Zoe?Ikaw ba yan?Anong ginagawa mo dito?"
Gulat na tanong sa akin ni Dylan.

"A-Ah...kaibigan ako ni Clark.Hinahanap ko ung mga gamit ko kasi dito nya itinago."
Sagot ko.

Hindi sya nagsalita ng ilang minuto pero lumapit sya sa akin ng nakataas ang isang kilay.

Hindi ko maiwasang magtaka kasi hindi pa rin sya tumitigil sa paglapit sa akin.Akma na sana akong aatras nang tumigil sya at inilapit ang mukha nya sa akin.

"Paano naman kayo nagkakilala ni Clark?Kaibigan nga lang ba?"
Naniningkit na tanong nya sa akin.

"A-Ano bang ibig mong sabihin?M-Magkaibigan lang talaga kami.Ano naman sayo kung higit pa doon ang meron kami?"
Nakataas na kilay na tanong ko sa kanya kahit isang lapit nya na lang mahahalikan nya na ako.

Umiling-iling sya at dahan dahang naglakad papunta sa likuran ko.

"Ano nga ba?Maybe I burn him for stealing you from me.That was fun,right?"

Behind The MaskWhere stories live. Discover now