Chapter 23

885 43 0
                                    

Chapter 23



Different Pathways

Ilang linggo na kaming hindi nagpapansinan ni Luke at aaminin ko namimiss ko sya.

Kinagat ko ang labi ko at umiling-iling.Wala na akong balita tungkol sa kanya dahil na rin sa umiiwas ako sa mga pinsan nya.

Hindi ko na rin sya nakikita.Ni hindi ko nga alam kung papasok pa sya o ano e.

Kasalukuyan akong nasa lib at hinahanap ko yung librong kailangan ko para mamaya.Break naman namin kaya dito muna ako.

Habang papunta ako sa section 5 kung saan nakalagay yung librong hinahanap ko ay may lumabas na lalaki sa section 4...si Luke lang naman yon.

Nagtama ang tingin naming dalawa pero ako ang unang umiwas at patuloy lang sa paglakad.Ganito rin naman ang ginawa nya.So,para kaming hindi magkakilala.

Well,iba na kasi ngayon.Nasanay na siguro syang wala ako kaya ganyan na lang.Nangilid ang mga luha ko sa naisip ko.

I don't think na kaylangan pa namin ang isa't isa kasi first of all nagtapos na ang friendship namin simula nung hindi na kami nagkapansinan.

Kahit hindi pa talaga totally over pero alam kong wala naman ng pagasa lalo na ngayon,iniwasan nya ako?Iiwasan ko rin sya.

Ayokong ipagpilitan ang sarili ko at isa pa,mas mabuti na rin to para di sya magamit ni Boss na pain para sa akin.Ayos na sa akin yung ganito kaysa sa ayos nga kami pero nanganganib sya.

---

Uwian na at wala pa akong balak tumayo sa kinauupuan ko.Bukod sa napakadami kong iniisip ay tinatamad pa akong tumayo.

"Stop it,Throne.Hindi ka nakakatuwa."
Rinig kong boses ni Luke.

Tumaas ang isang kilay ko.Sinong Throne?Bago ba yun dito?

"I told you before!Sabi ko kausapin mo na agad tignan mo ngayon nangyari sa inyo."

Natigilan ako kasi iisang tao lang naman ang mayari ng boses na iyon.

"Kung alam lang ng mga kapatid mo na nandito ka na?Siguradong patay ka sa mga kuya mo."

Hindi ako pwedeng magkamali...bakit Throne ang tawag sa kanya ni Luke?

Nagkibit balikat na lang ako.Baka naman nickname nya lang.Hindi na dapat ako magtaka.Misteryosong tao si Clark.

Kita kong nauna nang umalis si Clark.Ni isang hakbang man lang ay wala akong narinig mula kay Luke.

"Why are you still here?"
Malamig na tanong ni Luke.

Ngumisi ako.Napansin nya pala ako?Akala ko ba di kami magkakilala?

"Wala ka nang pakielam don."
Walang emosyong sabi ko sa kanya.

Umalis ako ng room ko nang walang lingon lingon sa kanya.We're now on different pathways.He choose to forget about us?Then,I should go on my own pathway.And that is to forget him and focus on my mission.

Nairita ako nang bigla syang pumasok sa sasakyan ko.

"What are you doing here?Can you please get out?"
Iritadong sabi ko.

Malamig nya akong tinignan.

"Maguusap tayo,Agatha.Whether you like it or not."

"Ayaw mong umalis?Oh,sige ako na lang ang aalis."
Sabi ko at padabog na isinara ang pinto ng kotse ko.

"Agatha."
Mariing tawag nya sa pangalan ko.

Huminto ako pero hindi ko sya nilingon.

"Come on,Alferez.We're now on different pathways.I already choose my own.You should take your own pathway."

Behind The MaskWhere stories live. Discover now