Chapter 17

1K 43 0
                                    

Chapter 17



Don't talk to me

Hindi ko alam ang gagawin ko pero nanatiling ganoon ang posisyon naming dalawa ni Luke.Nanlalaki ang mga mata ko habang inaangkin nya ang labi ko.

Binitawan nya na ang labi ko.Ididikit nya sana ang noo nya sa noo ko pero napayuko na lang ito at ipinatong ang noo nya sa balikat ko.Basang basa na kaming dalawa.

"I'm sorry for kissing you...I-I didn't m-mean to..."
Sabi nya.

Hindi ko alam ang mararamdaman ko sa mga oras na ito pero may pumasok sa isip ko na ikakadulot ng sakit sa pagkatao ko.

"Let's go home,Luke..."
Malamig na sabi ko.

Sinubukan nya akong hawakan sa pisngi ko pero tumayo na ako at nauna nang maglakad sa kanya.Hindi ako sumakay sa kotse nya.Hangga't maaari ayoko muna syang makasama.

Alam kong may problema sya pero sana naman hindi nya ako gawing panakip butas kapag nagkakaroon sya ng problema.

Magkaibigan kami at alam nyang hanggang doon lang ang relasyon naming dalawa.Ayokong maging rebound.Pasensya na kung ganito ang mind set ko.

Hindi ko mapigilang mapahikbi.Tinanggal ko ang mga heels ko at patuloy na naglakad.

May mga brasong yumapos sa katawan ko kaya napatigil ako sa paglalakad.Tinakpan ko ang bibig ko para pigilang humikbi ng malakas.

"I'm so sorry...hindi ko sinasadya,Agatha.Please don't be mad to me...please..."
Nahihirapang sabi nya sa akin.

"I-I understand you,Luke...but you know me very well.Dapat alam mo yung mga bagay na ayaw na ayaw ko.Alam mo kung paano ako mag-isip.Sa lahat ng mga kaibigan ko,ikaw ang nakakaalam lahat ng pagkatao ko kaya sana naman intindihin mo rin yung kalagayan ko."
Sabi ko na syang ikinatigil nya.

"Alright then...hahayaan mu mna kita pero please sumakay ka na.Magkakasakit ka dito."
Mahinang sabi nya na sya namang sinunod ko.

Ayoko nang makipagtalo pa sa kanya kaya sumakay na lang ako sa kotse nya.

---

Dahil mas malapit naman yung park sa bahay namin ay dito ko na pinatulog si Luke kahit nagtatampo ako sa kanya.

After all,he's my boy best friend.Kailangan nya lang muna intindihin yung sitwasyon naming dalawa ngayon.

Akma ko na sanang ilalagay yung baso sa mesa nang may brasong humarang sa dadaanan ko.Humarap ako sa kanya.

Basang basa ang buhok nya at nakayuko sa akin.

"May kailangan ka ba?"
Walang emosyong tanong ko sa kanya.

"Galit ka pa rin ba sa akin,Agatha?"
Mahinang tanong nya.

Kinagat ko ang pangibabang labi ko at napatingin sa basong hawak ko.

"Magpahinga na lang muna tayo ngayon,Luke...please?"
Sabi ko na syang ikinailing-iling nya.

"Hindi ako makakatulog alam mo yan,Agatha.Ito ang pangalawang beses na nagaway tayo...hindi ako makakatulog hangga't hindi tayo nagkakaayos."
Sabi nya sa akin.

Tinanggal ko ang isang braso nya.

"Don't sleep,then."
Malamig na sabi ko.

"Please,Agatha..."
Pagmamakaawa nya sa akin.

"Don't talk to me..."

Behind The MaskWhere stories live. Discover now