Chapter 22

894 42 0
                                    

Chapter 22



Tampo

Umaga na kami nakadating sa bahay ni Luke.Bantay sarado ako sa kanya kaya hindi nya ako pinauwi.Tsaka wala naman kasi akong kasama dahil yung mga magulang ko nasa ibang bansa.

Kanina pang tahimik si Luke.Akala ko ba maguusap kami?

Hindi ko maiwasang isipin na baka galit sya sa akin.Tanggap ko naman.After all,nagsinungaling ako sa kanya.Ilang buwan kong tinago sa kanya yung totoo.

Pagkatapos kong maligo ay pumunta ako sa kwarto ni Luke.Nakamasid lang ito habang nasa terrace sya.

"Kailan pa to,Agatha?"
Malamig na tanong nya sa akin.

Umupo ako sa kama nya at huminga ng malalim.

"Matagal na,Luke.Simula nung araw na umabsent ako.Kinidnap nila ako.Hindi nila ako sinaktan pero pinapili nila ako sa pagitan ng buhay o pakikipagsanib sa kanila.

"Kung hindi ba kita maabutan,hindi ka magsasabi ng totoo sa akin?Ilang buwan na ang nakalipas.Magiisang taon akong walang kamalay-malay sa kalagayan mo.Agatha,alam mong magaalala ako.Kung sinabi mo to sa akin agad,masosolusyanan natin to."
Malamig na sabi nya sa akin.

Nangilid ang mga luha ko sa sinabi nya.

"So,ako pa ang may kasalanan?Ganon ba yon,Luke?Kasalanan ba ang pagprotekta sa taong mahalaga sa akin?Sabihin mo nga,kung sakali bang hindi ako umamin,gagamitin mo ba ako para pabagsakin yung ahensyang yon?"
Tanong ko sa kanya.

Hindi sya umimik.

"Aalis na ako---"

"Hindi ka aalis dito,Agatha!Sa ayaw o sa gusto mo,mananatili ka dito!"
Sigaw nya pero di ako nagpatinag.

Hindi ako papayag na ikulong nya ako dito.Kilala ko na ang mga kilos ng ahensya ko.

Hinablot nya ang braso ko at isinara ang pinto.Isinandal nya ako sa pintuan.Nakikita ko sa mga mata nya na galit sya.

"Bitawan mo ako,Luke."
Malamig na sabi ko.

"Hindi mo ba talaga ako naiintindihan,Agatha?Mapapahamak ka lang."
Seryosong sabi nya sa akin.

"Ako ang hindi mo naiintindihan."
Walang emosyong sabi ko at buong lakas ko syang itinulak.

Lumabas ako ng bahay nya na umiiyak.Pakiramdam ko,hindi na sya yung Luke na nakilala ko kanina.

Tinawagan ko si Clark nang makalabas na ako ng Village.

"Oh,napatawag ka?"

"Sunduin mo naman ako dito,Clark...nandito ako sa Village nila Luke."
Sabi ko sa kanya habang pasinghot-singhot ako.

"Are you crying?Bakit anong nangyari?"
Tanong nya.

"Mamaya ko na sasabihin.Sunduin mo muna ako,please."
Sabi ko at pinatay na ang tawag.

Hindi naman ako natagalan sa paghihintay dahil dumating agad si Clark.Tinanggal nito ang helmet nya at kumindat sa akin.

"Hello,madame!Tara na!"

Napailing-iling na lang akoat sumakay na sa motor nya.

---

"Salamat sa paghatid."
Pilit na ngiting sabi ko sa kanya.

Madrama itong tumingin sa akin.

"Alam mong hindi ako sanay na ganyan ka.Mas mabuti nang wag ka ng ngumiti."

Binatukan ko nga.

"Siraulo.Bye na,ingat ka."
Sabi ko at kumaway sa kanya.

Kumindat lang ito at umalis na.

Napanuntong hininga ako at pumasok na sa bahay.

Nag-vibrate ang cellphone ko at kita kong nagmessage si Luke.Ngumiwi ako.

Bala sya sa buhay nya.Manigas sya ngayon.

Behind The MaskWhere stories live. Discover now