Chapter 25

878 38 0
                                    

Chapter 25



Bestfriend

Banayad at parang nanunukso ang mga halik na ibinibigay ni Luke kaya napapikit na ang mga mata ko at tumugon sa kanya.

Sa una ay banayad lang hanggang sa lumalim ito.Halos magusot ko ang damit ni Luke na hawak-hawak ko.

Hindi na naalala ni Luke na maraming tao sa loob at baka may makakita sa amin dito ang mahalaga lang sa kanya ngayon ay ang halikan ako.

Hindi ko maiwasang mapadaing dahil sa pagkagat nya sa labi ko.Humiwalay sya sa akin para habulin ang hininga nya at ganun din naman ang ginawa ko.

"L-Luke,we have to talk about---"
Hindi na natuloy ang sasabihin ko nang dumamping muli ang labi nya sa akin.

Mabagal lang ulit ang binibigay nyang mga halik hanggang sa lumalim na naman at mas naging agresibo pa yata sya ng ipulupot ko ang mga braso ko sa leeg nya.

Hindi ko na alam ang nangyayari sa paligid namin.Ang tanging alam ko lang ay kasama ko si Luke.

Humiwalay sya ulit sa akin.Ipinatong nya ang noo nya sa noo ko.Parehas kaming naghahabulan ng hininga habang magkadikit ang aming mga noo.

"Let's go home,Agatha.Ayoko na dito."
Bulong nya sa akin.

Hinampas ko sya at pinanlakihan ko sya ng mga mata.Bahagya akong natawa nang makitang puro lipstick na ang labi nya.

"What?"
Nakataas na kilay na tanong nya.

"Wipe my lipstick on your mouth,Luke."
Natatawang sabi ko.

"Oh,sorry.I ruin your lipstick."
Ngising sabi nya at Inilapit muli ang mukha nya sa akin.

"H-Hey---"
Magpro-protesta sana ako kaso dumamping muli ang labi nya pero sa pagkakataong ito binubura nya ang lipstick ko.

How dare he.

Sumama ang tingin ko sa kanya nang humiwalay sya sa akin.

Ngumisi lang ito at may kinuha sa bag ko.Ay aba,lalagyan daw ako ng lipstick.

"Seriously?"
Nakataas na kilay na tanong ko.

Mahina itong tumawa at idinampi ang lipstick ko sa labi ko.Inirapan ko pa sya dahil sinasadya nyang bagalan ang ginagawa nya.

Napailing-iling na lang ako ng matapos sya.

"Now,remove the lipstick on me,babe..."
Nakangising sabi nya na syang ikinataas ng kilay ko kahit ang bilis ng tibok ng puso ko sa sinabi nyang 'babe'.

"Anong remove?Nasaan ba ang panyo mo?"
Kunot-noong tanong ko.

Pilyo syang ngumiti sa akin.Aba,iba pala ang ibig sabihin nya.

Kinuha ko na lang ang panyo ko at pinunasan ang labi nya.Sumimangot sya sa akin pagkatapos ng ginawa ko.

Nagkibit-balikat na lang ako at sinuot ang maskara ko pero bago na ito kasi tinapon lang naman ni Alferez ang mask ko dahil sa kasabikan.

"Where are you going?"
Nakataas na kilay na tanong ni Luke sa akin.

"I'm going to see Clark.Remember?We're here to give equipments to the owner of this house."
Sagot ko.

"Well,wala namang pinagawang masama ang boss nyo,papalampasin ko na lang."
Kibit-balikat na sabi nya sa akin.

"Anyway,I forgot...from now on we're not bestfriends anymore---oh,pwede din naman?Bestfriends with benefits,right Babe?"

Behind The MaskWhere stories live. Discover now