Chapter 21

873 42 1
                                    

Chapter 21



Revelation

Gusto ko mang tumakbo ngunit hindi ko magawa dahil na rin sa nanghihina na ang katawan ko.Alam kong napakarami na ng dugong nawala sa akin at kahit pagtulak sa kanya ay hindi uubra.

Mahina ko syang hinahampas.

"Just let me go...isinauli ko na sa inyo ang mask,a-ano pa bang kailangan mo?"
Mahinang tanong ko.

"That's not what I want to you.Tell me who's your boss and I will protect you no matter what."
Seryosong sabi nya sa akin.

"Paano kung ayaw kong sabihin sayo?Papatayin mo kaya ako?"
Tanong ko sa kanya

"Kailan ba kami pumatay?Dapat alam nyo na yan,e.Ilang taon na tayong magkalaban...o baka naman bago ka nilang myembro?Sa pagkakatanda ko,ikaw yung tinatawag nilang Queen A.At base sa mga kilos nyo,ikaw ang leader nila tama ba ako?"
Nakangising tanong nito sa akin.

"Oo,ako nga.Ano naman sayo?Bitawan mo ako.Gusto kong magpahinga."
Sabi ko at mahina ko syang tinulak.

Hinayaan nya lang ako.Siguro alam nyang may tama ako.Buti naman kung ganon.Umakyat ako sa tree house at doon ko sinimulang hubadin ang suot kong damit.

Wala na akong pakialam kung nandyan sya.Bra na lang ang natira sa akin.Pinagmasdan ko sya doon sa baba na nakalikod.

"Wala ka bang balak alamin kung sino ako?"
Tanong ko sa kanya.

Itinali ko ang t-shirt ko sa braso ko.

"Bakit may mapapala ba ako?"
Malamig na tanong nya.

"Umakyat ka dito."
Utos ko sa kanya.

"Nakahubad ka,di ba?Bakit ang lakas ng loob mong paakyatin ako?"
Iritadong tanong nito sa akin.

Napangiti na lang ako.Ganyan sya kapag maiiksi yung mga suot ko.

"Basta umakyat ka dito.Kapag di ka umakyat...magpapakamatay ako at isisisi ko sa agency nyo ang pagkamatay ko."
Banta ko sa kanya.

Dali-dali syang umakyat ng nakayuko.Sinimulan kong tanggalin ang mask ko ganun din ang wig ko.

At sa pagkakataong ito ay nagsalita ako ayon sa totoo kong boses.

"Ngayon,tignan mo ako.Hindi ako magrereklamo kapag nagalit ka sa akin...Luke."
Mahinang sabi ko na syang agad nyang ikinaangat ng ulo.

Namimilog ang mga mata nito.

"A-Agatha...anong ibig sabihin nito?"
Gulat na tanong nya sa akin.

Napahikbi ako.

"Kahit sabihin ko sayo,hindi mo ako matutulungan.Kahit sabihin ko sayo lahat lahat ng nalalaman ko,hindi mo ko matutulungan.Wala akong mapagpipilian,Luke."
Umiiyak na sabi ko.

Halos mapatalon ako nang suntukin nya ang kahoy.

"Bwiset,bwiset,bwiset!"
Sigaw nito.

Kaagad ko syang niyakap.

"Tama na...please,magpahinga muna tayo ngayon..."
Pagmamakaawa ko sa kanya.

Niyakap nya ako at hinalikan nya ako sa noo.

"Hindi pa tayo tapos...maguusap tayo,Agatha."
Mahinang sabi nya sa akin.

Ipinasuot nya sa aakin ang blazer ko at binuhat ako palabas ng tree house.

"I will burn them...papatayin ko silang lahat."

Behind The MaskWhere stories live. Discover now