Chapter 7

1.8K 85 1
                                    

Chapter 7



Who are you

Medyo gumaan ang loob ko sa mga sinabi ni Luke kaya hindi na ako masyadong nagaalala para sa sarili ko.

Ang sabi nya hindi daw sya aalis sa tabi ko at kung sakaling wala man sya sa tabi ko ay tatawagan nya ako.Nagtaka pa nga ako kasi parang may ginawa pa sya sa phone ko kanina e meron akong number nya.

"Saan ka pupunta?"
Tanong sa akin ni Rosh.

"Uuwi.Bakit ano ba sa tingin mo ang gagawin ko?Titira dito?"
Sarkastikong sabi ko kay Rosh.

Napakamot sya sa kanyang noo.

"Nagtatanong lang naman,e."
Nakasimangot na sabi nya.

Napailing-iling na lang ako.

"Nasaan ang 3 mong pinsan?"
Tanong ko.

"I don't know."
Tamad na sabi nya.

"Pasabi na lang na uuwi na ako.Bye!"
Sabi ko at kumaway na lang kay Rosh.

Bwiset kasi si Luke,e.Kanina pa dapat ako nakaalis pero eto ako ngayon ala-singko na ng hapon.Kaines talaga ang isang yon.

Habang naglalakad ako palabas ng Village ay hindi ko maiwasang tumingin sa likod ko para kasing may sumusunod sa akin.

Umiling-iling na lang ako.Guni-guni ko lang siguro.

Pagkalabas na pagkalabas ko ng Village ay may motor na biglang sumulpot sa harapan ko.Akma ko na sanang sisigawan ang driver nito nang tanggalin nito ang heet nya.

Wait,ito ba yung lalaking nagligtas sa akin non?Di ko alam kung sya nga pero kasi nakamaskara sya e.

"Sakay."
Malamig na sabi nito sa akin.

Napatakip ako ng bibig.Sya nga!Boses pa lang nya,e.

"A-Anong ginagawa mo dito?Tsaka,bakit ako sasakay dyan?"
Nakataas na kilay na tanong ko sa kanya.

Kita ko ang pag-ikot ng mga mata nya.

"Sasakay ka o bubuhatin kita?Mamili ka."
Sabi nya sa akin kaya agad akong sumakay sa motor nya.

Mahirap na baka totohanin nga nya ang sinabi nya.

"Paano mo nalamang nandito ako?Stalker ka no?"
Ngising tanong ko sa kanya habang isinusuot ang helmet na ibinigay nya sa akin.

"Tsk,isipin mo na kung anong gusto mong isipin sa akin.Bakit ba ang hilig mong lumabas ng ganitong oras?"
Tanong nya sa akin.

Kahit hindi sya nakaharap sa akin ay alam kong nakangiwi sya ngayon.

"Sisihin mo yung pangit kong kaibigan!"
Nakasimangotna sagot ko sa kanya.

"Tsk,ilagay mo ang mga braso mo sa bewang ko wag dyan sa balikat ko.Baka mahulog ka,maaksidente ka pa."
Sabi nya sa akin.

Kagat-labi kong sinunod ang utos nya.Nangangatal pa nga yung kamay ko,e.

Marahas syang nagpakawala ng hangin at sya na mismo ang nagpulupot ng mga braso ko sa bewang nya.

Bumilis ang tibok ng puso ko sa di malamang dahilan.Gosh,gusto ko ng lumubog sa lupa.

---

Hindi pa rin ako mapakaniwalang alam nya kung saan ako nakatira.T*ng ina,baka stalker ko talaga sya.

Naningkit ang mga mata ko.

"Umamin ka nga,may crush ka sa akin no?"
Naniningkit na mga matang tanong ko sa kanya.

"Wag mong paasahin ang sarili mo,babae."
Tamad na sagot nya sa akin.

Napaikot ang mga mata ko.

"O,sige.Who are you,then?I want to know your name."

Behind The MaskUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum