Chapter 12

1.2K 54 0
                                    

Chapter 12



Gun to Gun

"What?Bakit doon?Pwede bang sa ibang lugar na lang tayo,Boss?"
Bored na tanong ko sa kanya.

Yes,tapos na ako sa pagtra-training.Alam na alam ko na ang mga pinaggagawa ng pesteng ahensyang to.Feeling ko sa tuwing may ginagawa akong ilegal,nasusunog ang kaluluwa ko.

Pero dahil may konsensya ako,minsan ako ang nagsasabutahe sa misyon.

"Where do you want?Marami namang kayamanan doon kaya bakit hindi?"
Tatawa-tawang tanong ni Boss.

"Guato kong maranasang magnakaw sa ibang bansa.Mas astig yun,Boss."
Tamad na sabi ko.

Sa totoo lang halos labas sa ilong ko iyong sinabi ko.

"Alam mo,masasabi kong ikaw ang pinakamagaling kong Agent pero sadyang sakit ka minsan sa ulo.Hindi tayo pwedeng lumabas ng Pilipinas.Alalahanin mo,mas mahigpit ang mga taga-ibang bansa.Come on,mag-handa ka na nang makaalis na kayo."
Sabi ni Boss.

Nagkibit-balikat na lang ako at umalis na ng opisina nya.Kita kong nagbabasa ng libro si Clark.Binabasa nito?

"Oi,wala ka bang balak na mag-ayos dyan?"
Tanong ko sa kanya habang nilalagyan ng contact lens ang mga mata ko.

Kailangan ko talagang mag-iba ng itsura dahil malaki ang pagkakataong makasalubong ko si Luke.Ayokong isipin nya na isa akong B.H. Agent.

"Tsk,akala mo sa akin walang konsensya?Ilang buwan na tayong magkasama,alam mong kapag ganito ang mood k o ibig-sabihin,nasusunog na ang kaluluwa ko."
Tamad na sagot ni Clark.

Yep,Clark is blackmailed by our Boss too.Hindi nya rin ginusto na mapasok sya dito.Hindi naman nya sinasabi kung ano ang dahilan nya kung bakit nga ba blinackmail sya ni Boss.

"Ewan,basta mag-ayos ka dyan.May nalalaman ka pang ganyan.Sakalin kita ng kwintas e."

---

8pm na at hindi pa rin tapos ang party.Sa totoo lang dapat kanina pa namin ninakaw yung mga jewels sa loob pero dahil kaming dalawa lang naman ni Clark sa misyong ito,mas gugustuhin na naming wala nang tao sa loob para maiwasan na madamay ang iba.

At sa wakas tapos na ang event.Nagsisilabasan na ang mga tao.Nandito kasi kami sa itaas ng bubongan kaya nakikita namin ang mga nangyayari.

Kita kong nakahiga na si Clark at nakatakip ito sa mukha nya.Ano ba tong taong ito.Kakasabutahe lang namin ng misyon namin nung nakaraan kung sasabutahin na naman namin ag misyon ngayon baka makahalata na si Boss.

"Oi,Clark!Tara na."
Sabi ko at inunahan na syang pumasok sa loob.

Tumingin muna ako sa paligid kung may bantay.Napailing_iling na lang ako dahil may nakita akong dalawa.

Maingat akong lumapit sa nakatalikod na bantay at pinukpok ko sila parehas ng dalawang baril na hawak ko sa mga likod nila.

"Pasensya na mga manong."

Tatalikuran ko na sana sila nang may marinig akong pag-kasa ng baril.Mabilis akong humarap at itinutok sa kanya ang dalawang baril na hawak ko.

Halos manigas ako sa kinatatayuan ko nang makitang si Luke ito.Ngayon ang mga baril na hawak namin ay parehas na nakatutok sa isa't isa.

"B.H. Agent?Tsk,ngayon lang kita nakita.May bago na naman silang tauhan..."
Sarkastikong sabi ni Luke.

Kahit ayaw kong sabihin ito ay kailangan...I'm so sorry...

"Ibaba mo yang baril mo kung ayaw mong barilin kita."

Behind The MaskWhere stories live. Discover now