Chapter 6

1.9K 74 2
                                    

Chapter 6



Call

"Pagsabihan mo ang mga pinsan mo!Pare-pareho kayong mga siraulo!"
Inis na sabi ko habang inaayos ko ang sarili ko.

Kung saan saan ako napadpad ng dahil sa mga kalokohan ng mga to.Siguro kung ako ang naging nanay nila,aba!Hindi lang sermon ang abot sa akin ng mga to!Pahihirapan ko sila hanggang sa magtino sila.

"Hay nako,Agatha.Napakainit na naman ng ulo mo.Alam mo namang puro kalokohan ang mga umiiral sa mga pinsan ko,e.Masanay ka na."
Tamad na sabi ni Luke habang sinusuklayan ang buhok nya.

So ayon,iisang kwarto na naman ang bagsak naming dalawa.Sinadya talaga ng dalawang Alferez to.Ang totoo,sama sama sa iisang kwarto ang mga Alferez kapag matutulog.Ang mga gamit lang nila ang may sariling kwarto.

Ayos diba?Masanay na kayo.Abnormal ang mga yan.

"Wow nahiya naman sayo.Parang hindi gumagawa ng kalokohan,ah?"
Sarkastikong sabi ko kay Luke.

Napailing-iling na lang si Luke.

"Oh,bakit dyan ka hihiga?"
Takang tanong ni Luke sa akin.

"Bakit ano ba sa akala mo ang gagawin ko?Tatabi sayo?Hoy,anong akala mo sa akin hindi nagsasawa sayo?"
Nakangiwing tanong ko sa kanya.

Aarte pa sya?Sya na nga yung mahihiga sa kama,e.

Luke rolled his eyes.

"Come on,magtabi na lang tayong dalawa.Para namang hindi tayo nagtatabi."
Tamad na sabi ni Luke.

Nagkibit-balikat na lang ako at mabilis na sumampa sa kama.

"Ok,nagbago na isip ko.Basta ayoko nang malikot sa tabi ko!"
Sabi ko sa kanya.

Ang mahirap kasi kay Luke kapag may katabi,nananaginip tapos parang gising kung kumilos.

Sumaludo sya sa akin.

"Yes ma'am!"
Parang tangang sabi ni Luke.

Napailing-iling na lang ako.

---

Nagising ako dahil sa ingay na naririnig ko sa tabi ko.Iminulat ko ang mga mata ko.

Ang cellphone lang naman ni Luke ang nagiingay.Nasaan ba ang mokong na yon?!Bakit iniwan nya dito ang maingay nyang cellphone?!E,kung basagin ko kaya to?!

Kinuha ko ang cellphone nya at sinagot ko ang tawag.

"Yes,who's this?"
Inaantok na tanong ko.

"Oh,hi there.Are you Luke's friend?"
Tanong ng lalaki.

Sino naman ang isang to?Unknown number kasi.

"Ah,yes?Paano mo nalaman?"
Tanong ko sa kanya.

"You don't need to know.I just want you to know that your life is already in danger.Take care of yourself,Ms.Have a nice day!"
Sabi nito at pinatay na ang tawag.

Kinain ng kaba at takot ang buong pagkatao ko.A-Anong ibig sabihin nya don?Is that a death threat?Pero bakit ako?

Nangangatal ang mga kamay kong ibinaba ang phone ni Luke.Rinig ko ang pagpihit ng pinto.

"Oh,gising ka na pala.Tara,kumain na tayo---hey,what's wrong?"
Alalang tanong sa akin ni Luke.

Umupo sya sa kama.Yumakap ako sa kanya.Dala na din siguro ng emosyon ko.

"Someone is trying to kill me.I don't know why."
Mangiyak-ngiyak na sabi ko.

Ramdam kong napatigil si Luke.

"W-What do you mean?"
Tanong ni Luke.

"May tumawag sayo kanina pero parang sa akin yata talaga ang tawag na yon...please,help me Luke...I-I don't know what yo do..."

Behind The MaskWhere stories live. Discover now