Chapter 20

1K 37 0
                                    

Chapter 20



The Tree House

Kasalukuyan kaming nandito ni Clark sa napakalaking Hotel kung saan gaganapin ang misyon naming dalawa.

Kailangan naming makuha yung gold crystal mask na pinakainiingatan ng hotel na to.Iyon daw ang mask ng unang mayari sa hotel na to,hindi lang yon,may halaga ang maskarang yon.

Lagi naman naming ayaw ni Clark ang misyon na to pero dahil nakasalalay nga ang ibang buhay ng tao dito ay kailangan naming kumilos kahit labag sa mga kalooban namin.

"Naririnig mo ba ko,Clark?"
Tanong ko habang inaayos ang ear pods ko.

"Yeah,malapit na ako sa CCTV room.Nakahanda ka na ba dyan?"

"Yeah,may kasama naman tayong back ups na pwede nating tawagin kung sakaling nasa dangered zone na tayo."
Sabi ko habang inaayos ang posisyon ng baril ko.

Alam kong may mga G.A Agents na nasa tabi tabi lang.Lagi naman silang nandyan pag nasa isang misyon kami.Halos lahat ng lugar ay may nakakalat na G.A. Agents.

Nang mawalan na ng tao at tulog na ang mga tao,inumpisahan na ni Clark na magtago malapit sa gold crystal mask.

Ako ang magiging suporta nya kung sakaling may pagatakeng mangyayari.Itong baril na may balang pampatulog ang laging ginagamit ko.

Ni minsan,hindi pa ako nakakapatay ng kalaban.At kahit kailan ay hindi ko gagawin yon.

Malapit na malapit na sana si Clark sa mask nang may sumulpot na dalawang lalaki.At tama na naman ang hula ko.

Si Luke ito at kasama nya yung lalaking nagligtas din sa akin sa parke noon.Akma ko na sanang babarilin yung kasama ni Luke nang may maramdaman akong presensya mula sa likuran ko.

Kaagad kong sinugod ito.Lalaki ito at talagang malakas.Muntik pa nya akong masipa pero tumalon ako at tsaka ko sya sinuntok sa mukha nya.

Akma nya sana akong susuntukin sa mukha pero inunahan ko ito at tinuhod ko ang pagitan ng dalawa nyang hita.

Namilipit ito sa sakit kaya bumaba na ako sa kinaroroonan ko at habang nilalabanan nila sila Luke ni Clark kasama ang mga back ups ay kaagad kung sinunggaban ang pagkakataong makuha ang mask.

Napansin ito ni Luke.Mabilis ko itong binasag at kinuha ang mask.Tumakbo ako palabas ng hotel at alam kong hinahabol nya ako ngayon.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta basta gusto ko syang ligawin para di nya na ako masundan.Hindi ko na naisip ang misyon namin.Itinapon ko kung saan ang mask at tumakbo.

Nagulat ako nang may makita akong tree house.May mga ilaw sa gubat na to kaya nakikita ko ang bawat bagay.Habang wala pa sya ay mabilis kong inakyan ang tree house at dito ako nagtago.

Kasabay ng pananakit ng kaliwang braso ko ang pagulan ng malakas.Wala na kong pakielam kung mahuli ako ni Luke.

Hindi nya naman ako mamumukhaan dahil nakamask ako at may kulay ang buhok at ang mga mata ko.

Lumabas ako ng tree house qt nagpaulan.Umagos ang dugo ko sa lupa dahil sa ulan.Hindi ko namalayang nabaril ako.

Hindi na ako nagulat nang may humablot sa braso ko.Magkaharap na kami ngayon.Nakangisi sya dahil siguro sa nahuli nya na ako.

"Catch you..."

Behind The MaskWhere stories live. Discover now