Chapter 19

990 39 0
                                    

Chapter 19



Battle between 2 Agents

"Wala ka bang balak pumasok bukas?"
Tanong ko kay Luke habang hawak hawak ang kape ko.

"I don't know?Maybe,kung papasok ka papasok din ako."
Parang tangang sagot nya.

Binatukan ko nga.

Sumimangot ito at yumakap sa akin.

"Pakulo mo na naman?"
Masungit na tanong ko sa kanya.

Ngumuso sya.

"Kiss mo ko,parang magkakasakit ulit ako e."
Parang tangang sabi ni Luke.

Tinulak ko sya at pinitik ko ang labi nya.

"Wag kang feelingero.Hindi porket tumugon ako sa mga halik mo ay makakahingi ka na ng halik sa akin.Itsura nito."
Sabi ko at pinaikot ang mga mata ko sa kanya.

"Kiss lang e,damot."

I just rolled my eyes.

---

"Ano na naman ba,Ms.Agatha?"
Tamad na tanong sa akin ni Boss.

Gusto kong kulitin si Boss para naman sa ibang lugar namin gawin yung misyon.Ang hirap kayang magnakaw sa isang mall.Minsan talaga,sobrang gulo ng utak nitong lalaking to.

"Gusto mo na namang lumipat?Anong mahirap sa mall,ha?Ikaw pa naman ang pinakamagaling na agent ko tapos ikaw pa tong nahihirapan."
Umiiling-iling na sabi ni Boss.

"E,Boss...mahirap naman talaga doon!Mall yon,Boss!"
Sabi ko.

"Hay nako!Umalis ka na nga lang dito sa opisina ko."
Inis na sabi nito at ppinagtulakan ako palabas ng opisina nya.

Sa totoo lang,mabait naman ang taong yon.Ang ipinagtataka ko lang ay bakit masasama ang mga gawain nito.

I just shrugged my head.

"Saan daw tayo?"
Tamad na tanong sa akin ni Clark.

Oo,si Clark.Wala ng iba.Lagi naman sya ang partner ko,e.

"Mall daw."
Tamad na sagot ko sa kanya.

"Kahit saan ba?"
Tanong nito habang nakatingin sa binabasang libro.

Kulang na lang magsuot sya ng salamin para magmukhang matalino,e.

"Kahit saan."
Sabi ko at inayos na ang mga gamit ko.

"Pwede bang palampasin natin yang misyon na yan?Nakakatamad na rin minsan tong ginagawa natin.Inaatake ako ng konsensya ko."
Seryosong sabi ni Clark habang sinusuklay ang buhok gamit ang mga daliri nya.

"Alright,then.Parehas lang naman tayong inaatake ng konsensya."

Kahit na nakaplano na ang misyon namin ay nagayos pa rin kami.Mas maganda nang hindi mahuli.Baka mabaril kami sa ulo ni Boss.

---

Hindi ko alam kung nasaang mall kami basta ang alam ko may mga G.A. Agents sa paligid.

"Wag kang gagalaw."

Namilog ang mga mata ko at nanigas sa kinatatayuan ko.

"Ibaba mo yang baril mo kung ayaw mong pasabugin ko ang ulo mo."
Rinig kong sabi ni Clark kaya hindi ako nagaksaya ng panahon at tinutukan ko ng baril ito.

Kinagat ko ang labi ko dahil sa Luke ang kaharap na naman namin.Wala na bang ibang panlaban na agents ang G.A?

"Dahil mabait kami,hahayaan ka naming makatakas."
Malamig na sabi ni Clark.

"Really?Hindi kapani-paniwala."
Kasabay ng pagsasalita nya ang pagtilapon ng baril ko sa semento.

Napahawak ako sa palapulsuhan ko na natamaan ng paa nya.Alam kong ayaw na ayaw ni Clark ang napapalaban pero dahil lumalaban si Luke ay lumaban na rin ito.

Pinulot ko ang baril ko at kahit labag sa loob ko ay binaril ko sa paa si Luke.

"Umalis ka na kung ayaw mong tuluyan kita."

Behind The MaskWhere stories live. Discover now