Chapter 46

907 35 0
                                    

Chapter 46



Who's Your Love

Hindi ko man sya tinitignan ay ramdam kong nakatitig sya sa akin ngayon,hinihintay na magsalita ako.Lakas loob akong tumingin sa kanya at sumagot.

"Why me,then?Why not Nia?Stop asking me that kind of questions,Alferez."
Malamig na sabi ko na syang ikinatahimik ng lahat.

Lucas laughed and tapped his Elder brother's shoulder.

"Kaya naman pala hindi ka pinapansin.May iba ka kasing nilalandi."
Natatawang sabi ng kapatid nya.

Umirap ako sa hangin at tinalikuran nalang sila.Hindi ko naman inaasahang pupunta sila dito sa bahay nila Yanna at Triton.Tsk.

"Dito ka na lang mag-dinner,Agatha.Tutal,nandito ka na rin naman."
Sabi ni Tracy na syang ikinailing ko.

"I'm sorry,I can't.Isang linggo kasi akong nag-stay sa bahay ni Lola so,uuwi na ako sa amin ngayon.Kailangan kong maglinis."
Palusot ko kahit ang totoong dahilan ay hindi ako komportableng kasama si Nia at Luke.

"Oh,so what time ka uuwi?"
Tanong naman ni Stacey.

"Actually,I need to go now.So,take care guys.Salamat sa pagiimbita sa akin."
Nakangiting sabi ko na syang tinutulan naman ng tatlong Alferez at ng mga kaibigan ko.

"No,dito ka na muna.Anong oras pa lang naman."
Sabi ni Yanna na syang ikinasimangot ko.

"I really need to go---"

"No,you stay.Minsan ka nang naaksidente,Agatha.Come to think of it."
Madiing sabi ni Luke na syang ikinainis ko.

"I can take care of myself.You don't need to tell me that."
Iritadong sabi ko na syang ikinatahimik ng mga kasama namin.

"Ok,guys!Tama na nga yan.Basta,dito ka na lang muna,Agatha.Kuya is right.Ako na lang ang maghahatid sayo mamaya."
Lucas said.

Ano pa nga ba?

---

Dapat talaga ay uuwi na ako kaso lang,they decided me to sleep with them.So,wala na akong magawa.Papahiramin na lang daw ako nila Yanna ng mga damit.Si Nia naman ay uuwi maya-maya kasi pinapatawag na daw sya ng direktor nya.

Nagkainuman sila,samantalang ako ay juice lang ang iniinom ko.Wala ako sa mood uminom.Hindi ko alam kung nasaan na sila Luke at Nia ngayon.Hindi ko sila nakikita dito sa sala.I just rolled my eyes and I went to the swimming pool.

My eyes widen when I saw Luke at Nia there.Hindi ko alam ang nangyayari sa sarili ko pero parang gusto ko na lang manuntok ngayon.Hindi siguro nila ako nakita dahil busy sila sa pagtatawanan.

"Oh,hi there Agatha!"
Rinig kong bati ni Nia.

I secretly rolled my eyes.Buti naman at nakita nyo ako.I just smiled at her and jump into the pool.Wala na akong pakielam sa kanila.Bahala sila magsama pa sila kung gusto nila.

Kahit malayo ako sa kanila ay rinig na rinig ko pa rin ang mga tawanan ng dalawa.Rinding-rindi na ako!Kung pwede lang pagbuhulin ang dalawang ito ay ginawa ko na!

I was about to leave them when my eyes caught that Nia is about to kiss Luke.Dito na sumabog ang pagkainis ko.Mabilis akong pumunta sa direksyon nila kahit basang basa pa ako.Imbes na ang labi ni Nia ang mahalikan nya ay labi ko ang sumalubong sa labi nya.Sorry but Luke is mine.

"Bye guys!Enjoy!"
Mapangasar na sigaw ni Nia at rinig kong umalis na ito.

Nagulat na lang ako ng hapitin nya ang beywang ko at gumanti sya sa halik na ibinibigay ko.Hindi ko maiwasang maluha.Miss na miss ko na sya.I can't deny it,I really miss him.

Hinabol namin ang mga hininga namin.Ipinatong nya ang kanyang noo sa noo ko.Doon ko na hinampas-hampas ang dibdib nya.

"Nakakainis ka!"
Sigaw ko na syang ikinatawa nya.

"Jealous,e?"
Natatawang sabi ni Luke.

I just shrugged my head and hugged him.Niyakap nya din ako pabalik at hinalikan nya ako sa aking ulo.Naghiwalay kaming dalawa at muling lumapat ang labi ni Luke sa labi ko.

"Who's your love?"
Bulong nya at dinampian na naman nya ang labi ko.

I bit my lower lip.

"L-Luke Dylander Alfe---"

Hindi na natuloy ang sasabihin nya nang halikan nya akong muli.I respond.

"I love you,Baby..."

Behind The MaskWhere stories live. Discover now