Chapter 16

1K 50 0
                                    

Chapter 16



The kiss under the rain

Kahit napakaseryoso ng mukha ko ay hindi ko pa rin maiwasang tumulo ang mga luha ko.Kaya ba sya nagdisguise bilang Dylan para hindi ko sya mapagkamalang Agent o baka naman may iba pa syang dahilan?

Kita ko ang pagpanik ni Luke.Ni minsan kasi hindi nya ako napaiyak.Ngayon lang talaga.Kinagat ni Luke ang labi nya at hinawakan ang magkabilaang pisngi ko.

"Oo,ako nga.Iisa lang kami.I'm sorry,kailangan lang talaga."
Nag-aalalang sabi ni Luke sa akin.

"Bakit?Bakit kailangan mong gawin yon?"
Mahina kong tanong sa kanya kahit alam ko ang dahilan.

"It's hard to explain,Agatha.You know how I love you,right?Alam mong ikaw ang pinakamatalik kong kaibigan.Sana maintindihan mo ako."
Sabi nya at hinalikan ako sa noo.

---

Nandito pa rin ako sa bahay ni Luke.Nasa garden nila ako malapit sa pool kaya nalilibang ako.Si Luke naman naliligo.Ewan ko kung may balak pa syang pumasok.Baka di na mag-aral yang mokong na yan.

Dahil sa naiihi na ako at kailangan kong gumamit ng banyo ay dali-dali akong tumakbo sa banyo mapait dito sa pool alam ko namang maliligo yung mokong sa mismong banyo ng kwarto nya kaya walang pagaanlinlangang binuksan yung pinto ng banyo.

"Agatha?!"

Halos mapatalon ako sa sigaw na yon at napatingin sa tumawag sa pangalan ko.Nakita ko si Luke na balak na sanang hubadin ang long sleeves nya.

Napanganga ako.

"Akala ko ba dun ka naligo sa kwarto mo?"
Tanong ko sa kanya.

"Yeah,dun nga dapat pero dahil sa walang tubig don dito ako dumeretso."
Kamot-ulong sagot nya sa akin.

Tumango-tango ako.Grabe kinabahan ako dun,ha.Akma ko na sang bubuksan ang pinto nang hablutin ni Luke ang braso ko at isinandal ako sa may tiles.

Nanlaki ang mga mata ko.Heto na naman sya.

"Ano bang ginagawa mo?"
Nakataas na kilay na tanong ko sa kanya.

"Wala naman.Sige na,alis na.Baka hindi ako makapagpigil at maisabay kita sa pagligo ko."
Nakangising sabi nya sa akin.

Tinapakan ko nga yung paa nya.

Bala sya dyan.

---

Habang nasa Mall ako at papunta na sa parking lot nahagip ko ang isang babae at isang lalaking nagaaway.

"Alam mong hindi na kita mahal!Bakit ba ang kulit kulit mo?!"
Rinig kong sigaw ni Lauren.

Medyo lumapit ako sa dalawa para tignan kung tama nga ang hinala ko.

At ayun si Lauren at Terrence nga yon.Ayoko nang makitsismis kaya tumalikod na ako.Akma ko na sanang bubuksan ang pintuan ng kotse ko nang may lalaking nagbukas ng pinto ng kotse ko sa kabila.

Agad akong pumasok sa kotse ko at kita kong si Luke ito.Nakakuyom ang mga kamao habang nakatingin kila Lauren at Terrence na ngayon ay naghahalikan na.

Napailing iling na lang ako at pinaharurot ang kotse ko sa park na madalas na pinupuntahan ko kapag malungkot ako.

"Baba na dyan."
Sabi ko na syang sinunod ni Luke.

Umupo kami at sinimulan ko na syang kausapin dahil tumutulo na yung mga luha nya.Magsasalita na sana ako nang bumuhos ang malakas na ulan.

At sa malakas na ulan na yon ay inangkin ni Luke ang labi ko nang wala man lang akong kamalay-malay.

Behind The MaskWhere stories live. Discover now