Chapter 5

2K 71 1
                                    

Chapter 5



Wrong Room

"What?Bakit naman ako tutuloy sa mansyon nyo?"
Nakakunot noong tanong ko sa tatlong Alferez.

"It's already 9pm.Our mansion is near at Lauren's mansion.Medyo may kalayuan na ang Raises Village dito.Sa amin ka na tumuloy,Agatha."
Cool na sabi ni Rosh habang may hawak-hawak na plato na may lamang cake.

Ngumiwi ako sa mga Alferez.Ano ako bata?Tsk,I can handle myself.

"No need,kaya kong umuwing mag-isa---"

"No,Agatha.You will come with us whether you like it or not."
Sabat ni Luke na nasa likuran ko.

Napabuntong-hininga ako.Ano pa nga ba.

"Oo na,eto na.Siguraduhin nyo lang na may susuotin akong damit don,ha!"
Sabi ko.

"You can wear my clothes,Agatha.Anytime."
Nakangising sabi ni Luke.

Hinampas ko nga.Di ko alam kung iba nasa isip nito o talagang nang-aasar lang,e.

"Masakit ba,Kuya?Don't worry,Agatha.You can also borrow my clothes.Mas ayos sa akin kung iuuwi mo."
Sabi ni Lucas.

"Nah,she will choose my clothes.Mas magaganda ang mga damit ko sa inyo."
Parang-tangang sabat ni Rosh.

Ewan ko pero minsan masasabi kong siraulo ang tatlong ito.Mabuti pa si Triton.Mas nagmumukha pa syang panganay sa magpipinsan.Masasabi kong matino din si Luke pero kapag sa pahanginan hindi sya papatalo,e.

"Guys,can you stop arguing?Come on,ako na ang bibili ng damit para kay Agatha.Nakakahiya naman sa pagmumukha nyong tatlo."
Sarkastikong sabi ni Triton sa tatlo.

Napakamot na lang sa noo si Luke habang ang dalawa ay nag-high five pa.

"Wag masayadong mainit ang ulo,Cn.Halika,samahan na kita para pag-uwi natin wala na tayong aasikasuhin."
Sabi ni Lucas at inakbayan si Triton.

Umalis na ang dalawa habang kami namang tatlo dito ay mga nakasimangot.Marami pa ding tao dito sa mansyon nila Lauren kaya dito na lang kami pumwesto sa labas.

"Aisshh,I want to go home.Masyadong maraming tao dito sa mansyon nila Lauren.Mahirap ang ganito.Siguro,kung hindi ako naging Alferez,tahimik ang buhay ko.Walang tatlong asungot sa buhay ko."

Napatanga kami sa sinabi ni Rosh.Akala ko ba biyaya para sa kanya ang maging isang "Alferez"?Oh,anyare?

"Teka nga,wala akong naaalang ayaw mong maging Alferez."
Naguguluhang sabi ni Lucas sa kanya.

Ngumiwi si Rosh.

"Anong akala mo sa akin,hindi nagsasawa sa pagmumukha nyong tatlo?Tsk."
Nakangiwing sabi ni Rosh.

Napailing-iling na lang ako.Wala ng tatalo sa kasiraan ng ulo ng magpipinsang ito.

---

Maganda naman talaga ang mansyon nila pero ang problema,masyadong malawak.Sure na sure ako na maliligaw ako dito.

"Ah...hindi yata magandang ideya ang tumuloy ako dito?"
Ngiwing sabi ko habang inililibot ko ang tingin sa kabuuan ng mansyon nila.

"What?Are you kidding?Maraming tao ang gustong makapasok dito tapos masamang ideya ang makituloy dito para sayo?"
Tawa-tawang sabi ni Luke sa akin.

Umirap ako sa kanya.

"Just tell me where my room."

Kanina pa ako akyat baba dito pero ni isa sa mga pintong ito ay walang nakalagay na keychain sa doorknob.

Sinubukan kong bumaba sa ikalawang palapag at meron akong nakitang pinto na may keychain.T*ng ina talaga ng mga Alferez!Ang sabi sa ikatlong palapag!

Kaagad kong pinihit ang door knob dahil na rin sa gusto ko nang matulog.Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Luke sa loob at walang suot na pang-itaas.

"W-What the---"

Behind The MaskWhere stories live. Discover now