Chapter 32

765 32 0
                                    

Chapter 32



Tree House

Kasalukuyan kaming magkakasama ni Tracy at Yanna.Syempre,ngayon lang ulit kami nakumpleto kaya sulitin na.

Habang naglalakad-lakad kaming tatlo ay hindi namin maiwasang pagkwentuhan ang mga Alferez lalo na't pare-parehas na Alferez ang mga nagustuhan namin.

"Kamusta naman kayo ni Rosh?Hindi yata kayo nagpapansinan?"
Tanong ni Yanna kay Tracy.

Hindi umimik si Tracy pero alam naming nagkaproblema sa kanilang dalawa.Hindi ko alam ang nangyari pero ang nakakasigurado ako ay naghiwalay na sila.

"Wag na muna natin syang pag-usapan.Pag-usapan natin yang boyfriend mo,kamusta naman kayong dalawa?"
Tanong ni Tracy.

"Hmmm...maayos naman.Hindi ko alam kung saan nya nakuha yung salitang 'bugbog' pero alam kong may ibang meaning yon.Yan ang panakot nya sa akin kapag may lalapit sa aking lalaki."

Nanlaki ang mga mata ko.Ano to?Nasa lahi ba ng Alferez ang salitang bugbog?

"Bakit,Agatha?Anong problema?"
Tanong ni Yanna sa akin.

"K-Kasi binanggit nya din sa akin yan e..."
Sabi ko.

Sabay naming nilingon si Tracy na nakataas ang kilay sa amin.

"Sinabihan ka rin ba?"
Sabay naming tanong ni Yanna.

"Well,oo.Tsaka nakwento din sa akin ni Stacey ang tungkol dyan.Talagang nasa lahi na nilang magpipinsan yan."
Napapailing-iling na sabi ni Tracy.

Wow,ha.May sarili silang pinagkukunan ng lahi.Mga Alferez nga naman.

---

Papasok na sana ako sa loob ng hotel nang makita ko si Luke na kakalabas lang ng mansyon nila.Oh,saan naman pupunta ang isang yan?

Hinabol ko sya at hinawakan ang damit nya.Lumingon naman sya sa akin nang nakataas ang isang kilay.

"Yes,Ms.Zoe?"

"Where are you going?
Tanong ko.

Ngumisi ito at kinuha ang kamay ko tsaka hinawakan ito.

"In the Forest."
Tipid na sagot nya.

Kumunot ang noo ko.

"What?Balak mo ba akong iligaw dyan?Anong gagawin mo don?"
Tanong ko sa kanya.

Mahina syang tumawa.

"Relax,kabisado ko ang loob nyan.May gusto lang akong ipakita sayo since,hindi ka pa nakakapasok sa loob nito.Come on."
Sabi nya at nagsimula nang maglakad.

Well,curious ako sa ipapakita kaya sige,pagbigyan ang Alferez.

Pumunta kami sa may maraming mga puno at pinasok ang loob.Malapit lang pala to.Hindi naman siguro kami maliligaw.

Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng isang to.Puro puno lang naman ang mayroon dito,ah?Ano ang ipapakita nya sa akin,puno din?

Biglang huminto si Luke kaya nauntog ako sa likod nya.Aray,ha!

"We're here."
Sabi nya kaya tinignan ko kung ano ang sinabi nyang ipapakita nya sa akin.

Namangha ako dahil sa ganda ng apat na tree house.Ibat-iba ang disenyo nito.Bawat tree house ay may sariling kulay.

Red,Blue,Yellow at Green ang mga kulay nito.At tingin ko kay Luke yung Red.

"Guess where is my tree house?"
Nakangiting sabi nya na syang ikinangisi ko.

"The red one,am I right?"
Nakangising sabi ko na syang mahina nyang ikinatawa.

Inaya nya akong pumasok sa loob.Hindi ko maiwasang maalala yung araw na nagtapat ako sa kanya sa isang tree house din.

Kinagat ko ang labi ko habang inaalala ito.

Naramdaman ko na lang na pumulupot ang mga braso ni Luke sa katawan ko.

"Your mine,Agatha...your mine..."

Behind The MaskWhere stories live. Discover now