Chapter 15

1K 48 0
                                    

Chapter 15



Between Luke and Dylan

Kunot na kunot ang noo ko habang paulit-ulit kong pinipindot ang door bell ng bahay ni Luke.Nasaan ba ang mokong na iyon?Ilang araw nang hindi nagpaparamdam sa akin at ilang araw na ring wala sa klase kaya ito ako tuloy ang inutusang ipadala ito sa kanya.

Inis kong pinindot ulit ang door bell.Alam kong nandyan sya sa loob kaya hindi nya ako maloloko.Sa inis ko ay isinigaw ko na lang ang pangalan ni Luke.

"LUKEEEEEEE!"
Malakas kong sigaw.

At ayun lumabas din ang kagigising na si Luke.Maririnig nya ako kasi konektado sa isa't isa ang monitor ng bahay nya sa monitor sa kwarto nya.

"What the hell,Agatha?Anong ginagawa mo dito?Do you know what time is it?"
Inaantok na tanong nito sa akin.

"Aba,oy ikaw!Ang lakas mong magreklamo dyan,e ikaw tong hindi pumapasok!Buksan mo tong gate nyo nang makapasok ako!"
Iritadong sigaw ko sa kanya.

Nakasimangot nyang binuksan ang gate ng bahay nya.

"Bwiset ka.Ilang minuto na akong nakatayo dyan sa labas ng bahay mo.Ilang beses na rin akong nagdoor bell tapos sigaw ko lang pala ang makakagising sayo?!"
Inis na inis na sabi ko habang papasok sa bahay nya.

Inilapag ko ang mga papeles na binigay sa akin ni Ma'am sa sala.

Halos sabunutan ko na si Luke nang makita syang nakahilata at natutulog sa sofa nya.Wow,tinulugan ako.

Akma sana akong pupunta sa ref nang may mahagip akong mask.Kumunot ang noo ko at kinuha ang mask.Pula sya.

Ano to?Parehas sila ni Dylan ng mask?Tinignan ko ang iba pang bagay na nakalapag sa may vase.May isang hikaw doon na kulay gold.Actually,it's a kind of chain earrings.

Taka akong napatingin kay Luke.Hindi kaya?Kilalang-kilala ko ang mga gamit ni Dylan.Siguro naman hindi coincidence ang magkaparehas sila ng hikaw di ba?Isa na lang ang dapat kong makita.

Madalas kong nakikitang magt-shirt si Dylan kaya sa tuwing huhubadin nya yung blazer nya ay nakikita ko yung Red Snake tattoo na nasa kanang braso nya.

Laging naka-long sleeves si Luke at long sleeves din ang uniform nila kaya bihira kong makita ang mga braso nya.Ngayon,malalaman ko kung totoo nga yung iniisip ko.

Dahan-dahan kong iniangat yung long sleeves nya.Hindi naman ako nahirapan sa pag-angat kasi medyo maluwag sa kanya tong damit na to.

Napatakip ako sa bibig ko.Meron nga syang tattoo na katulad kay Dylan.At ngayon ko lang na-realize yung pangalan na Dylan.Luke 'Dylan'der ang buo nyang pangalan.

Iisa lang silang dalawa.Napaikot na lang ang mga mata ko.Kaya pala pamilyar na pamilyar sa akin ang boses,mata at mga galaw nya.

Bwiset tong lalaking to.Nagdisguise pa!Kung iisa sila ibig sabihin Agent sila parehas.Hinampas ko sa braso si Luke para magising sya.

"Aray naman,Agatha!Anong problema mo?"
Nakapikit na isang matang tanong nya sa akin.

"Ano to,ha?!"
Naiiyak na tanong ko sa kanya.

Tinuro ko yung tattoo nya.Napabalikwas sya ng bangon at dali-daling ibinaba yung long sleeves nya.

"Don't lie to me.I know you already,Dylan."

Behind The Maskजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें