KABANATA III

356 24 0
                                    

Yang's POV

Kinaumagahan maaga akong nagising dahil sa sakit ng ulo at nauuhaw ako,dahan dahan ako tumayo at napatingin sa mag ina na mahimbing ang tulog. Sobrang swerte ko talaga sa dalawang ito tinuring na rin akong anak nila tita and tito and syempre kapatid ni Gel.

Maya maya pa ay nagtungo na ako sa cr para mag ayos at ginising sila tita dahil ngayon nga pala ang uwi ni Tito.

"Tita,Gel gising na kayo"

"Hmm... Maaga pa naman e"
Ani ni Gel at mas humigpit ang yakap sa Mommy niya

"Hmmm tulog pa anak,maya ng konti Yang please"
Ani ni Tita na nakapikit pa at siyang paghigpit din ng yakap sa isa

Ako naman ay nag ayos ng gamit at naglagay nalang ng make up at mga kalahating oras ay nagising na rin ang dalawa

"Goodmorning Queens"
Bati ko

"Goodmorning bestie aga mo nagising ha"

"Goodmorning,oo nga Yang aga mo nambulabog haha"

"Hindi ba kasi Tita ngayon uwi ni Tito"
Pagsasaad ko habang nagkikilay

"Ayy oo nga pala Angelina,bumangon kana at mag ayos baka nasa bahay na ang Daddy mo"
Natatarantang saad ni Tita at nagderetso na sa cr.

Nakaalis kami ng 8 am pero hindi na ako sumama sa kanila dahil alam ko na my dapat silang pag usapan.

"Una na po ako Tita dalaw nalang po ako sa sunod na araw"
Pagpapaalam ko

"Sure ka?Basta mag ingat ka ha,loveyou and thank you"
Pagpapaalam ni Gel at hinug ako

"Sige yang ingat ka ha and salamat"

"Sige po Tita,Gel ingat din po kayo"

Fast forward

Regina's POV

Nang makarating kami sa bahay ay sakto wala pa si Chris kaya naman nagluto na agad kami ni Angelina para sa breakfast ng matapos kami ay siya din dating ni Chris.

"Sinong na-miss ng reyna at prinsesa ko?"
Pasigaw na saad ni Chris na kinagulat namin

Tumakbo naman palapit si Angelina sa daddy niya at niyakap ng mahigpit at sumabit sa balikat nito

"Sobra kitang miss Daddy,sayang hindi mo napanuod concert ko"
Nagpapalambing na saad ng baby namin

"Mas na-miss kita anak,pwede ba naman yun e habang nagpeperform ka ka-video call ko si Mommy para mapanuod ka and kasama ko si Tito Max mo habang nanunuod"
Nakangiti nitong saad pero parang nag iba ang emosyon niya ng marinig ang pangalan ng papa ni Eric

"S-i Tito Ma-x,hindi po ba siya ga-lit sa akin?"
Nakayuko nitong saad at naupo

"Ano ka ba anak,syempre hindi at never nagalit si Tito Max sa iyo kasi mahal ka niya bilang anak na din niya"
Nakita namin ang paglandas ng luha niya kaya naman sinamaan ko ng tingin si Chris

"Anak,huwag ka na umiyak my surprise ako sa'yo"
Pagpapaamo sa prinsesa namin na siyang kinatingala nito

"Ano naman po iyon"

Inabot ni Chris ang isang envelope at siyang inopen ni Angelina

"Da-ddy seryoso po ba?papayagan ninyo na ako?
Masaya nitong tugon

Hindi ko alam kung tama ba desisyon ni Chris pero kinakabahan ako,plane ticket papunta sa Canada kung saan naka stay sila Eric.

"Oo anak and gusto ko mag enjoy ka doon ha"

Matapos mag usap ng mag ama ay nagsi kain na kami at nagkwentuhan lamang ng mga kaganapan kahit alam ko na kasinungalingan lamang ang mga kinekwento ni Chris kay Angelina about sa mga lugar na pinupuntahan niya.

Nang makatapos kumain ay agad umakyat si Angelina sa room at naiwan kami ni Chris sa dining.

"Ano ka ba Chris,hindi mo manlang sinabi sa akin ang plano mo"
Galit kong saad

"Dahil alam ko na hindi ka papayag"
Mahinahon nitong saad

"At kaya namn ginawa mo nalang,ano ba naman yung sabihin mo manlang sa akin at pag uusapan natin ng maayos,alam mo naman na hindi pa ganun ka okay ang anak mo dahil sa nangyari hindi ba"
Napagtaasan ko na siya ng boses pero kalmado pa rin siya

"Dahil hindi ko na kayang nasasaktan ang anak natin,kaya kahit ano ang mangyari sa naging desisyon ko aayusin ko yun at pagod na din ako Regina pagod na akong magsinungaling sa anak natin"

Natahimik kami sandali at nagsilandas ang mga luha sa aking mata

Kahit naman ako ay pagod at natatakot na rin sa pag tatago sa aming anak...

"Pumayag na din si Max sa plano ko kaya wala kana dapat ipag alala"

Agad naman siyang tumayo at nagtungo na sa aming kwarto.

Paano naman kaya ang gagawin ko kapag nalaman ni Angelina ang totoo,nawa ay maintindihan niya kung bakit namin ito nagawa sa kaniya dahil hindi ko na kakayanin pag lumayo loob niya sa amin.

Thank you sa pagbabasa. Please do vote and comment guys 💚

PERPETUITY Where stories live. Discover now