KABANATA XVII

341 21 3
                                    

Angelina's POV

After 3 weeks

ENOUGH sobra ko ng miss si Love! I miss his face,his smile. I miss his kiss. I miss his touch. I miss his whisper. I miss his voice.I miss his warm body. Damn I miss my man of my life.? But not till I said Im tired.

Namimiss kaya niya ako?Gusto ko na siyang makita at makausap. Siguro naman pwede ko siyang makatext diba.

Yan tayo eh iiwas tapos hindi kayang panindigan. Parang yung makikipag hiwalay tapos mamaya magchachat para makipag balikan. Tsk!

Ilang araw na niya akong hindi tinetext,nasanay akong pagkagising at bago matulog ay may message siya kahit hindi ko nirereplayan.

Agad kong inabot ang cellphone ko na nasa side table ng kama ko. Pero bago ko siya itext ay nag open muna ako ng ig account and para bang bumagsak ang katawan ko sa lugmok ng makita ang picture niya na may kasamang babae at post ito ng isang FC niya.

Sa halip na idial ang number niya ay agad na pumunta ako sa kusina para uminom ng tubig. Napaatras pa ako ng makita ko si Yang na nakaupo sa my mini bar at na inom ng gatas habang nag cecellphone.

Paano ko ba nakukuhang iwasan ang mga taong ito kahit alam ko na sila ang kailangan ko para lumakas ang loob ko. Napatitig nalang ako sa kaniya habang busy siya sa pag cecellphone,gaway napa ayos naman ako ng tayo ng mapalingon siya sa akin. Pero mabilis na umiwas siya ng tingin at itinuon ulit ang tingin sa cellphone na hawak.

Walang kibot balikat na naglakad ako papalapit sa ref at kumuha ng tubig,sa isang table ako naupo at nag isip isip. Tahimik lang kami na para bang walang kasama o hindi nakita ang isat isa.

Gustong gusto ko siyang kausapin,gustong gusto ko siyang lapitan pero parang may isip ang katawan ko at hindi kumikilos ng kahit gusto ko. Napabuntong hininga nalang ako ng sobrang lalim parang kasing lalim ng dagat kung tutuusin.

Masyado naman OA dai kung kasing lalim ng dagat diba kaya ka nasasaktan eh oops ano konek?!🙊

"Ang lalim ha problem"
Aniya na kinagulat ko at hindi ko namalayan na nasa harap ko na pala siya at nakatingin sa akin

Inangatan ko lang siya ng tingin at tumango hindi ko namalayan na bumabagsak na ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan.

"Eric?"

Ewan ko ba pero hindi ko makapa ang dila ko para na akong napipi habang nakatingin sa kaniya at naiyak.

"Huwag ka na umiyak para kang bata,mahal ka nun kahit ayaw mo na sa kaniya"
Niyakap niya ako at napakunot naman ang noo ko

Ako ba ang may ayaw o siya,kita mo nga may bago na agad samantalang ako heto nanggagalaiti sa galit dahil sa picture na nakita ko.

"Kung sana lang naayos niyo edi walang problema ngayon baka nasa korea na tayo at nagbabakasyon magbabarkada"
Natatawa nitong saad at kumalas ako sa pagkakayakap habang nagpapahid ng luha

"Kung sana nga,pero may bago na siya e. Huli na talaga. Bakit ganun ang bilis naman niyang makahanap ng kapalit samantalang ako ito mag isa"
Ani ko at napabunghalit naman siya ng tawa na kinakunot ko ng noo

"Anong nakakatawa sa sinabi ko ha Yang"
Naiinis kong sambit at inirapan siya

"Actually hindi nakakatawa ang sinabi mo feel ko lang tumawa dahil para kayong shonga. Una sa lahat hindi ka pinagpalit ni Eric yung girl na I think nakita mo na kasama niya sa picture kaya nanggagaglaiti ka sa galit yun ay kaibigan niya and para malaman mo naging kaibigan namin siya nung nawala ka. Second hindi ba ikaw ang unang nakahanap Gel at nakalimot"
Parang sumampal sa akin ang pangalawang dahilan na sinabi niya

PERPETUITY Where stories live. Discover now