KABANATA VIII

395 26 3
                                    

Eric's POV

Medyo masakit pa rin ang pisngi ko dahil sa pagkakasampal niya. Siya nga ba talaga yun ang babaeng nasa picture frame sa kwarto ko? Dahil kung oo mas maganda siya sa personal at mukhang malaki ang galit niya sa akin. Gusto ko siyang sundan pero hindi kaya ng katawan ko dahil sa pagod sa byahe.

Nanatili akong nakatayo sa store habang nakahaplos sa aking pisngi,pilit kong pinapatigil ang mga luhang kanina pa lumalandas pero ayaw  nitong tumigil.

Bakit ganito,bakit ako pa sa dinami dami ng makakalimutan bakit siya pa. Pipilitin kong ibalik ang pagmamahal niya ibalik ang mga ala alang binura ng isipan ko ibalik ang babaeng mahal ko noon.

"Anak,nandito ka pala? Anong nangyari?"
Nag aalala nitong saad at wala akong magawa kundi yakapin siya

"Ano ba ang nangyari,my masakit ba sayo?"

"Daddy,nakita ko siya. Nakita ko ang babaeng sinasabi mong mahal ko pero bakit ganun,bakit parang gusto niyang wala nalang ako at hindi na muling makita"
Hinarap ko siya at pilit na ngiti ang ibinigay sa akin

"Anak,sana maintindihan mo na sa tagal ng panahon na nawala ka ang alam niya ay patay kana. Nagkamali kami ng Tito mo na ilihim sa kanya ang nangyari sayo kaya siguro ganun nalang ang reaksyon niya ng makita ka niya. Patawad anak kung hindi dahil sa amin hindi sana ganito ang pagkikita ninyo"
Naiyak niyang saad

"Wala kayong dapat ikahingi ng tawad ginawa niyo lang po ang tingin ninyo ay karapat dapat"

"Gusto ko siyang makausap Daddy,gusto kong malaman niya ang buong nangyari. Dahil sa muling pagkikita ko sa kaniya parang sinasabi ng puso at isipan ko na kailangan ko siya Daddy wala man akong naaalala pero sa puso ko ay mahal ko siya"
Pagdadagdag ko pa at hinaplos naman niya ang aking likod

Bumalik kami sa sasakyan para umuwi at magpahinga,pagkarating ay agad akong nagtungo sa aking kwarto at naiwan si Daddy na kausap si Tito sa phone.

Angelina's POV

Tumatakbo sa daan na parang walang katapusan,mga sakit na labis ang hapdi na parang mas lumalalim ang sugat sa bawat hiwa nitong nadarama. Sa bawat pagtakbo ko pagtakas sa katotohanan ang siyang bumabakas.

Hindi na kinaya ng paa ko ang pagtakbo at napaluhod nalang ako sa lupa sa gitna ng kawalan...

"Ahhhhhrggghhhh"

"Pagod na pagod na akong umintindi"

"Pagod na pagod na akong masaktan pa at maramdaman ang sakit na wari koy hindi na matatapos"

Iyak lang ako ng iyak at parang ang langit ay nararamdaman ang sakit na meron ako kaya unti unting pumapatak ang ulan

Sa bawat pagpatak ng luha ko ay pagpatak din ng ulan pero napansin ko na walang patak ng ulan ang dumadampi sa aking katawan kaya dahan dahan kong inangat ang ulo ko at ang sumalubong sa akin ay isang payong na green at ang lalaking dahilan ng pagkawala ng dating ako ang dahilan ng mga luha ko ngayon...

Tumayo ako at hinarap siya,bakas sa mukha niya ang pag iyak pero binalewala ko iyon ng akmang maglalakad ako ay kinabig niya ang braso ko at ikinulong sa dalawa niyang braso sobrang higpit ng pagkakasara nito wala na akong lakas para kumawala pa sa yakap na minahal ko yakap na sobra kong namiss.

"Sana ay...hayaan mong magpaliwanag ako sa mga nangyari hindi ko intensyon na saktan ka,dahil alam mo naman siguro na noon pa man ay mahal na mahal kita. Pero hindi ko alam kung mahal mo pa rin ako dahil ganito na lamang ako isang taong walang alam sa pag ikot ng mundo,walang alam sa nakaraan"
Naiyak niyang saad kaya napakalas ako ng pagkakayakap sa kaniya ng marinig ang mga iyon

PERPETUITY Donde viven las historias. Descúbrelo ahora