KABANATA XLIV

491 25 4
                                    

Angelina's POV

This is the day.

Bago pa man ako tuluyang makabangon ay nagdasal muna ako

Humiling lang naman ako na sana maging maayos ang araw na ito at sana hindi dito magtapos ang lahat.

To be honest hindi ako masyado nakatulog din kakaisip sa kung ano ang plano niya,sa halip na magpahinga ay namugto lang ang mga mata ko.

Hindi ko nga alam kung paano ako babalik sa pinas kung meron pa bang naghihintay na trabaho sa akin doon.

On the other hand napatawa nalang ako sa naiisip ko,nasagi sa isip ko na magulang ko nga pala ang may ari ng company na pinagtatrabahuhan ko at ako ang tagapag mana ng lahat,but still my kulang.

Hindi naman magiging maganda ang buhay ng isang tao ng dahil lang sa pera diba,mas maganda ang buhay ng tao at masaya kung kasama ang taong mahal mo.

Tumayo na ako bago pa man magising si Mommy na ang himbing pa ng tulog,for sure napagod din siya kahapon dahil sa sobrang demanding ko.

I kissed her forehead tsaka ako lumabas ng kwarto.

"Excited"
Nagulat pa ako sa nagsalita

Infairness kay Tita La ang agang nagising 4:30 am palang kasi ng umaga and ako naman kaya nagising dahil sa gusto kong uminom ng gatas

"No,aga mo Tita Morning"
Pilit na ngiti ang naibigay ko sa kaniya dahil nga hindi naman good talaga ang morning ko lalo na't may iniisip ka

"Mukhang hindi good ang morning mo,ngayon dating nila diba hindi ka ba excited makita siya"
Napaupo naman siya sa harap ko at mataman na nakatingin sa akin

Para namang ewan ang mata ko ang aga aga ay naglalabas na ng mapapait na luha

Ano bang magagawa mo self e mahina ka ngayon,napanghinaan ka ngayon

Hirap kasi talagang itago ng sakit at lungkot lalo pa at nangangamba ka na mawala siya sayo.

She caress my back bago tuluyang yumakap

"Tita La,sorry ha aga aga nagdadrama ako. Hindi ko na kasi kayang itago pa yung takot at sakit. Nagkausap kami nung tumawag siya and sabi niya mag usap daw kami para tapusin na. I know pwedeng double meaning pero what ifs are always there kaya hindi ko alam kung ano ba ang iisipin ko"

"Naguguluhan ako"
Dagdag ko pa habang nakasubsob sa balikat niya

Rinig ko naman ang pagbuntong hininga niya bago magsalita

"You know what Angelina,ito yung unang beses na sasabihin ko sayo and wala kahit si Daddy niya ang nakaalam."
Pabitin pang sabi ni Tita La

Naupo naman ako ng ayos at pinunasan naman niya ang mga luha ko

"Remember ng ipunta nila dito sa Canada noon si Eric para magpagaling"

"Opo,anong meron doon I know na comma siya that time"
Sagot ko pa

Nailing naman siya sa sinabi ko bago tuluyang umagree at nagpatuloy sa pagsasalita

Ang alam ko nga talaga ay comma siya noon at walang maalala ng magising

"Exactly,I was one of his nurse syempre dito siya nagstay so tinulungan ko ang Daddy niyang mag alaga. Your Dad is always here din that time and lagi niyang kinakausap si Eric kahit tulog at sinasabi niyang magising na ito dahil naghihintay ang anak niya and that's you sa pinas. Sobrang nakakatuwa lang ang moment na yun and also your Mommy minsan pa ay sabay silang dumalaw. Till one day,ako ang naiwan mag isa kay Eric four days bago siya tuluyang magising nagkamalay na siya and alam mo ba kung ano at sino ang una niyang hinanap"
Mahaba pa niyang lintaya

PERPETUITY Where stories live. Discover now