KABANATA XLIX

410 21 1
                                    

Angelina's POV

Afte a month....

"Eric ano bumangon ka na diyan kelangan maaga tayo sa simbahan baka maunahan pa tayo ng bisita"
Sigaw ko pa sa kaniya na igi pa rin sa pag iinat sa kama

Yung lagi nalang late nagigising kung sa bagay hindi ko rin naman siya masisisi dahil sa laging siya ang nadadatnan na gising ni baby Elli.

Paano ba naman ako ang siyang punong abala sa pagbabantay sa buong maghapon tapos nag aasikaso pa ako ng binyag mabuti at laging nabisita sila Aïs at Yang.

Nagkakaroon ako ng katulong sa pagbabantay madalas din kasi wala si Mommy and Daddy dahil sa company at kung nasa bahay man sila ay minsan lang din makasama si Elli dahil napunta kami sa bahay nila Eric.

Tipong bata palang layas na ang anak namin.

"Love kiss muna"
Paglalambing pa niya at hinila ako pahiga sa kama

Heto na naman siya nakadantay ang katawan sa akin

Aba nga ilang buwan palang nakakapagpahinga katawan ko simula ng manganak ako

"Mr. Santos may I remind you na hindi pa pwede at umayos kana dahil baka malate tayo"

"Anong ma-late Love e ang aga pa tingnan mo nga 5 am palang ng umaga tulog pa nga si baby Elli ko e,kaya Love relax at lambingin mo muna ako"

Oo nga maaga pa pero sa lalaking ito kung mamaya pa papakilusin ay aabutin kami ng siyam siyam

"Hindi bumangon kana,kapag hindi ka bumangon hindi kita pagbibigyan"
Pananakot ko pa

Tumitig lang siya sakin at hinaplos haplos ang pisngi ko

Enebe yung tingin niyang nakakapanlambot hayst diyan ako nadala e sa titig niya at ngiti

"Talaga ba?tingin mo papayag ako sa gusto mo Misis ko"

"Oo da....

Naputol ko na ang sasabihin ko ng angkinin niya ang mga labi ko

buset din naman ang labi ko dahil kaagad iyong tinugunan

Ang nangyari panalo na naman siya

Bakit ba ang rupok mo self

"I love you Misis ko"
Aniya ng magkahiwalay ang labi namin

"I love you Mister ko"

Muling naglapat ang mga labi at mas lumalim ang halikan

Halikan na siyang nagiging resulta ng buong puso naming pagmamahalan para sa isa't isa






"Love bilisan mo ikaw nalang ang hinihintay namin ni baby"
Sigaw pa ni Mister sa labas

Yung ako una nagising pero ako ang nahuli

Buset landi kasi ni Eric e nakaidlip pa tuloy ako tapos pag gising ko bihis na siya

Ako naman ay aligaga habang inaayusan niya si baby Elli mabuti at marunong siya mag asikaso sa bata actually mas expert siya dahil pinag aralan niya talaga ang gawain ng isang ama.

Halos lahat nga minsan siya ang gumagawa dito sa bahay pag dito siya natulog.

"Love ano na"

"Ito na nga Love ang ingay"
Naiinis ko pang sabi

Binyag naman kaya simpleng white dress lang ang suot ko.

Pagkalabas ko ay nadatnan ko siyang buhat si Baby at titig na titig sa akin

PERPETUITY Where stories live. Discover now