KABANATA V

327 23 1
                                    

Max's POV

Kinakabahan ako sa pwedeng mangyari sa dalawa lalo na kay Angelina sana maintindihan niya na bilang ama ay kailangan protektahan ko silang dalawa sa kung anong meron sila noon. Kailangan ko na ipaalam kay Chris ito bago pa lumipad si Angelina papuntang Canada.

Calling Chris.....

"Hello bro"
Ani niya

"Hello kasi si Eric"

"Anong nangyari kay Eric?"
Kinakabahan nitong tanong

"Relax,nagkamalay na siya and gusto na niyang bumalik ng pinas agad dahil nalaman niya na mykasintahan siya na naghihintay. "

"Bro,magandang balita yan pero paano...

"Hayaan nalang natin iyon gumawa ka nalang ng paraan para hindi siya matuloy at mauwi na kami ni Eric,siguro mas mabuti pa na noon palang ay hindi na natin sila nilayo,dahil baka hindi maniwala si Angelina sa nangyari kay Eric"

"Hindi,kilala ko ang anak ko bro mahal niya si Eric at alam ko na papatawarin niya rin tayo at maiintindihan sa kung anong ginawa natin"

"Sana nga pare,pag uwi ko nalang tayo mag usap"

End of call....

Nag ayos na ako ng mga gamit namin ni Eric dahil kinabukasan ay ang aming flight pabalik ng pinas. Sana ay maintindihan ni Angelina ang lahat.

-----------------------------------------------------------------

Angelina's POV

"Yang"
Pasigaw kong bati sa napabusy kong kaibigan

"Ayyy pusa,ano ba Gel"
Naiinis nitong saad pero niyakap ko lang siya sa pagkakaupo niya sa office

"Pinayagan ako ni Daddy na mag bakasyon and sa Canada gusto mo sumama?Tara na please"
Pag aaya ko dito

"Hay naku Gel,madami akong kailangan tapusin. Pero happy ako sa wakas magkakaroon ka ng time para sa sarili mo. Mag enjoy lang ikaw doon ha"
Nakangiti nitong saad

"Masaya sana pag tayong dalawa Yang,pero sige sabi mo e and dito ka nalang nga dahil walang madalaw kay Eric so ikaw muna palit sa akin pleaseeee"

"hay naku my magagawa pa ba ako oo babantayan ko si Eric sa sementeryo kung gusto mo"
Pagmamaktol pa nito

"Pero Gel balitaan mo ako sa iyong trip ha hahaha and pasalubong"
Dagdag pa nito

"Hahaha yan tayo sa pasalubong e syempre naman ikaw pa ba. Sana kasama ko siya doon hindi ba pangarap namin yun ang magtravel magkasama kaso..

"Oh ayan ka na naman e,baka magbago isip ko at samahan ka nalang gusto mo"
Pagpuputol niya sa sasabihin ko

"Hahaha oo gusto ko yun"
Pagbibiro ko pa

"Hindi ayoko ikaw lang,time mo yan and gusto ko masaya ka"
Paglalambing nito

"Sige hintayin kita punta muna ako kay Daddy tapos dinner tayo ha"

"Sige sige mwuahps"

Papunta ako sa office ni Daddy sakto tumawag si Mommy para papuntahin ako sa office nila...

Pumasok na ako ng diretso dahil expected naman ako sa office pagpasok ko ay bumungad sa akin si Mommy at Daddy na seryosong nag uusap sa loob at tumingin sa akin.

"Nandiyan kana pala,pasok ka"
Ani ni Daddy at seryoso

Nag beso naman ako sa kanila bago tuluyang umupo sa bakanteng upuan na nasa tabi ni Mommy

"Tungkol saan po ba ang pag uusapan natin"
Nakangiti kong tanong at palipat lipat ang tingin sa dalawa

Parang my hindi ba ako alam o ewan pero kinakabahan ako sa tinginan nilang dalawa

"Ano kasi anak,baka hindi ka muna matuloy sa Canada"
Malumanay na saad ni Mommy

"Pero Mommy bakit? Daddy hindi ba"
Pasigaw kong saad

"Calm down Chrisgine my naging problema kasi sa schedule kaya baka hindi ka muna makaalis ng bansa,kung pwede sana intindihin mo nalang"
Mahinahon na saad ni Daddy na parang mykaba sa boses

"Alam niyo naman na matagal ko ng hiniling na makaalis ng bansa pansamantala para maibalik ang dating ako,mailisan sa aking isipan ang lahat ng nangyari kaya nung binigay niyo sa akin ang ticket masaya ako na binalik niyo ung tiwala sa akin na kaya ko na muli na babalik na yung dating Angelina na nawala ng ilang taon. Gusto ko magsulat ng bagong libro,libro na wala ng lungkot walang masamang kaganapan na nagmula sa kwento ko. Sana naman maintindihan niyo din ang desisyon ko na pagbigyan ang sarili ko. Dahil pagod na din ako na isipin siya na alam kong hindi na mababalik"
Naiyak kong saad at tila ba mylamay sa office dahil kaming tatlo ay naiyak na nabalot ng katahimikan ang kwarto ng ilang sandali

"Pero babalik siya anak"
Naiyak na saad ni Mommy na tila ba my meron sa sinabi niya

"Ano"
Sa bawat hikbi ko ay mas nalalim ito sa narinig ko napalingon ako kay Daddy at blangko ang mukha niya

"Nabigla lang ang Mommy mo,mabuti pa at umuwi na muna tayo at magpahinga buk...

"Hindi,may pupuntahan pa po ako mauna na muna po kayong umuwi"
Pag puputol ko sa sasabihin ni Daddy at tuluyang lumabas ng room

Lumabas ako at nagderetso sa puntod ni Eric dahil siya lang naman ang nakakaintindi sa aking nararamdaman.

Nag stay ako doon ng mahigit 3 oras at mas gumaan ang pakiramdam ko. Nakita ko naman na my sasakyan na dumating at syempre kay Yang yon.

"Gel,tayo na"
Mahina niyang saad

Tumayo ako at nagtungo na sa sasakyan nya,ramdam ko naman ang pag sunod niya.

"Gusto mo bang magpahangin sa ibang lugar"
Ani niya tanging tango lang ang ibinigay ko sa kanya

Nagdrive lang siya at nag music dahil tahimik lang kami pareho sa sasakyan,hindi ko namalayan na nakatulog ako. Maya maya ay nakaramdam ako ng tapik sa balikat ko.

"Gel,gising na nandito na tayo"
Ani nito habang tinatapik ako sa balikat

"Nasaan ba tayo"
Ani ko habang nag uunat

"Nasa tagaytay Gel,tutal wala naman ako pasok bukas dito na muna tayo mag stay namiss ko din e"
Ani niya at tuluyan ng pumasok sa loob kaya naman sumunod ako

Malinis ang buong bahay at lahat ng kwarto,mas lalo akong nalungkot dahil sa bawat parte ng bahay ay naaalala ko ang mga nangyari noong nag stay kami ni Eric sa rest house na ito.

"Bakit dito"
Mahina kong usal at bahagya siyang napalingon sa akin

"Dahil dito kayo naging mas matatag"
Ani niya at ngumiti

"Gusto ko sa pangalawang balik mo dito ay mas tumatag ka pa Gel,baka ipamana ko na ito sayo"
Pagbibiro pa niya

Nagtungo kami sa labas para magpahangin at naikwento ko sa kaniya ang naging sagutan namin nila Daddy kanina.

"Tinawagan ko si Tita at sabi ko na kasama kita para hindi sila mag alala"

"Thank you Yang"

"Bakit ganun sila,hindi ba nila naiintindihan ang nararamdaman ko"
Ani ko at nagsilandas na muli ang mga luha ko

Lumapit siya sa tabi ko at niyakap ako sa pagkaka upo ko

"Naiintindihan ka nila Gel and sobra pa sa inaakala mo. Mahal ka nila at ayaw nilang masira ka sa mga nangyari. Tumingin ka sa akin ( iniharap niya ako sa mukha niya) kung mynagawa man sila sa iyo na hindi mo pa alam sana maintindihan mo na ginawa nila iyon para sa iyo dahil ganun ka nila kamahal"
Seryoso niyang saad at muling ipinaling ang ulo ko sa balikat niya

Naging palaisipan iyon sa akin ang mga sinabi niya na parang my ibang meaning. Mas mabuti nga na hindi ako tumuloy para malaman ko kung ano ang kaniyang tinutukoy.

Nagtungo na kami sa kwarto kung saan kami nagstay ni Eric at nagpahinga.

PERPETUITY Where stories live. Discover now