KABANATA XXIX

313 18 0
                                    

Eric's POV

"Kamusta ka"

Natingnan ko nalang ang taong nagsalita at tumango bago nagpatuloy muli sa pagbabasa ng paulit ulit sa text ko kay Love kanina.

Its Yang.

Hindi siya nagrereply,hindi nasagot sa tawag ilang araw na niya akong hindi kinakausap.

Sobra ko siyang nasaktan sa inasal ko noong gabing magkasama kami ni Morrie.

Flashback....

Nagpunta ako sa kanila kinaumagahan pero sabi ni Tita hindi daw umuwi si Angelina.

Nalaman ko pa na after pala nilang kumain ni Nathan ay kasama niya sila Yang at nag aya daw mag inom.

Hindi ko alam pero sobrang bigat ng puso ko,nakonsensya ako sa inasal ko ng gabing iyon. Sa mga text ko sa kaniya sa mga nasabi ko alam ko na mali.

Nasaktan ko na naman siya.

Agad akong pumunta kanila Yang at nagdala ng pagkain.

"Goodmorning Yang"

"Oh Eric ang aga mo"
Medyo nagulat pa siya at napatingin sa dala kong pagkain

Mukha ngang my tama pa ang isang ito gulo ang buhok at nahihilo pa.

"Ahh kasi nalaman ko na dito si Love natulog dahil nag inom daw kayo kaya nagdala ako ng breakfast"

"About dun Eric sorry ha pinayagan ko siyang mag inom mapilit kasi tapos iyak pa ng iyak,myproblema ba kayo"

"Hindi ko rin masabi Yang,nitong mga nakaraan magulo din kasi siya eh hindi ko alam kung anong meron sa kanila ni Nathan"

"Alam mo,pag usapan niyo yan ha. Mahal na mahal ka ni Gel at alam ko na mahal na mahal mo din siya. Sige na mauna kana sa taas natutulog pa ata yun"

"Sige Yang kain kana"

Umakyat ako ng kwarto at sa pagbukas ko ng pinto ay nadatnan ko siyang nakahiga pa din at tulog na tulog.

Walang pangamba na lumapit ako sa kaniya at tinitigan siyang matulog

Mukha ngang lasing na lasing siya kagabi at mugto ang mata.

Ang puso ko ay parang sinasaksak ng paulit ulit sa nakita ko. Hindi ko mapigilan na pumatak ang luha ko dahil hindi rin ako sanay na ganito siya.

Sobrang mali mo Eric!

Ang iparamdam sa kaniya na okay lang na makipag date sa iba.

"Sorry Love,dapat hindi ko ginawa yun kagabi. Dapat tayong dalawa ang nagdate. Dapat inintindi kita."

Hindi ko na siya ginising pa at iniwan muli sa kwarto.

Alam ko na baka pag nakita niya ako ay masira kaagad ang araw niya.

Pagkababa ko ay nasa kusina si Yang habang naghahanda ng umagahan.

"Eric tayo kain,nasan si Gel"

Lumapit lang ako at nagbigay ng pilit na ngiti

"Hi-ndi ko na muna siya ginising dahil ayaw ko rin na masira ang araw niya dahil sa akin"

"Ano ka ba naman,hindi yan para na rin makapag usap kayo"

"Okay lang Yang,basta siguraduhin mo na makain siya ha and sana huwag mo ng sabihin sa kaniya na sakin galing ang mga yan dahil baka hindi yun kumain"

"Eric yan ka na naman eh sa mga baka mo,ikaw talaga mabuti pa mag usap kayo mamaya ha ayoko na ganyan kayo. At tsaka hindi ka ba masabay kumain dito"

PERPETUITY Where stories live. Discover now