KABANATA XXII

324 19 3
                                    

Eric' POV

BUMALIK ang lahat ng mga nakaraan.

Para akong bata na naiiyak sa pagtulog. Mga nakaraan na kala ko ay hindi na babalik pero sa isang panaginip ay biglang lumabas.

"Angelina...Love...Angelina"

Mga salitang kaniyang nababanggit habang natutulog.

"Eric gising ka,bro nananaginip ka"
Alam ko ang boses na iyon kay Mark

Para akong batang namulat sa katotohanan ng buksan ko ang aking mata. Naiiyak nalang ako dahil sa wakas bumalik na ang lahat. Bumalik na si Eric bumalik na ang ako..

Nakita ko na nakapalibot sa akin sila Daddy,Tito Chris,Tita Regina,Mark at Doctor pero wala sa kanila ang gusto kong makita si
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Angelina

"Nas-an si Angelina? Gu-sto ko siyang ma-kita"
Mahina kong usal dahil siguro sa sobrang tagal kong nakahiga medyo mahapdi ang tiyan ko at nauuhaw.

"Eric anak"

"Daddy gusto ko siyang makita"

"Eric nagugutom ka ba?my masakit ba sayo"
Nag aalalang sambit ni Tita

"No Tita,si Angelina gusto kong makita bakit wala siya"
Oo naiyak na ako dahil hindi nila sinasagot ang tanong ko kung bakit wala siya.

Nasaan ka ba?Kasama mo ba si Nathan kaya wala ka dito?

"Kasi Eric nasa Canada siya kasama ni Yang,my event sila ni Na-than"
Ani ni Tito Chris para bang bangungot iyon

Kasama niya si Nathan at sa ibang bansa pa,hindi ko alam pero parang ang pagiging seloso ang unang sumalubong sa akin.

"Ganun po ba,pwede na po ba akong kumain"

"Sige anak tamang tama nagluto ang Tita mo"

Dahan dahan lang ang pag galaw ko at inalalayan ako ni Tito at Daddy sa pagbaba hanggang sa makarating kami sa hapag at kumain na.

Nawala ang gana ko ng malaman kong kasama niya si Nathan.

Gusto ko siyang makausap para naman masigurado ko na okay siya doon pero mynaisip ako sa pagbalik niya kaya titiisin ko nalang muna.

Habang nasa hapag kami ay tahimik lang sila kaya binasag ko ang katahimikan nila.

"Mysasabihin po sana ako"
Seryoso kong saad at agad naman silang nag angat ng tingin sa akin

"Na-aalala ko na po ang lahat"

"Totoo ba Eric"

"Anak naaalala mo na ang lahat"

"Masaya kami Eric sana nga at tuloy tuloy na yan"

Para namang boomerang paulit ulit sabi na ngang oo naalala na.

Mukhang bumalik na nga ala ala mo Eric kasi bumalik din pagka pilosopo.

"Pero gusto ko po sanang huwag muna malaman ni Angelina ang tungkol dito"

"Per-o Eric hindi ba mas magandang malaman niya alam mo kung gaano siya katagal naghintay sa pag balik ng iyong ala ala"
Ani ni Mark na mukhang naiinis sa sinabi ko

"Mygagawin kasi ako para sa kaniya at kailangan ko ang tulong niyo"
Masaya kong saad

"Ano naman yun ijo"
Nakangiting saad ni Tito Chris

Kaya gusto ko si Tito Chris dahil alam ko na susuportahan ako nito mas suportado nito ang kayabangan at kasweetan ko kesa kay Daddy.

Sabi sa inyo naaalala ko na ang lahat e.

PERPETUITY Where stories live. Discover now