KABANATA L

562 24 8
                                    

Angelina's POV

Nagising ako ng wala na si Eric sa tabi ko habang si Elli ay gising na at naglalaro ng kaniyang mga toys na binigay ata ni Eric bago umalis

Ang alam ko ay mamaya pang gabi ang show niya pero bakit parang ang aga niyang umalis

7 am?

Seryoso wala namang magsho show ng ganitong oras and sure ako na dito lang din sa lugar ang show napupuntahan niya kaya nga napag usapan namin kagabi na sasamahan ko siya.

Binuhat ko naman si Elli at nakita sa higaan niya ang kapirasong papel

Agad ko itong kinuha at binasa ang nilalaman nito

"Good morning Misis ko,see you later. I love you naka-inom na ng gatas si Elli. And pagnabasa mo ito kumain kana ng breakfast na hinanda ko sa table ha wag papalipas ng gutom Love. I love you"

Why so sweet Mister ko!

Mukhang nakabawi naman agad sa pag iwan sakin dito sa kwarto

Infairness magaling na din siya sa pagluluto nakakatawa kasi parang magiging ka level ko na siya sa pagluluto minsan nga e mas madalas na siyang magluto.

Akmang uupo ako ng mykumatok sa kwarto ko

Sa katok palang ay alam ko ng bida bida ito.

"Aba bakit ang aga mo"

"wala naman gusto ko lang kayo makita ng ganitong oras pabuhat nga sa angel ko"
Aniya at kinuha sakin si Elli

Ibang klase at meron pang kasama

Sila Mommy,Tita La and Aïs

Bakit anong meron?

"Ang aga niyo atang magising ano bang meron"
Nagtataka kong tanong at naupo sa harap ng lamesa

"Wala lang bawal ka ba namin bisitahin dito"

"Wow naman Aïs parang kagabi lang magkakasama tayo at wag OA nasa iisang resort lang tayo at resort mo pa"
Natatawa ko pang sabi

Syempre heredera ata ang ninang kaniya lang naman ang private resort na ito sa pagkakaalam ko dahil nabanggit ni Eric kagabi

"Oo na pero kasi aayain ka din namin na maglibot at magpaparlor dahil mamayang hapon mypupuntahan tayong kasal"

"Kasal"

Kasal?

Kanino naman kaya?

Wala ata akong nabalitaan at tsaka dito e parang anlayo nito sa bayan ha?

"Oo nga anak kasal yun yung event na pupuntahan ni Eric mamaya"

Ahh okay oo nga pala siguro doon na nga yun pero hindi ko naman alam na kasal

"Baka nga oo nga pala nakita niyo ba si Eric sa labas ang aga kasing umalis hindi manlang ako ginising"
Seryoso ko pang sabi habang kumakain

Sarap ng itlog ni Eric tamang tama ang lasa pati ng spam tama lang ang luto

MGA GM WAG KAYONG PADALA HA 😂

"baka naman nag aasikaso para sa kasal"

"Huh"

"Para sa kasal na pupuntahan natin mamaya sabi kasi niya maghahanap daw siya ng damit para sayo dahil wala ka daw dalang mga gamit din"
Pagtutuloy pa ni Tita La sa sinabi ni Yang

PERPETUITY Where stories live. Discover now