KABANATA XXX

394 21 1
                                    

Eric's POV

Pagkababa ko ng sasakyan ay agad kong hinanap kung nasaan si Angelina.

"Eric saan ka ba galing ha? Kanina ka pa namin hinahanap si Angelina"

Sobrang kaba ang nadarama ko,kita ko kung paano siya nagpapanic kaya nataranta na din ako at nasigawan sila.

"Yang ano ba?! Anong nangyari kay Angelina? Nasaan siya sabihin mo naman"

Hinili niya ako at mabilis na sumunod lang ako sa daan sa bawat hakbang ko ay mas bumibilis ang pag lakas ng tibok ng puso ko.

Mymali alam kong meron. Natatakot ako sa kung ano man ang malalaman ko ngayon pero wala na kong pakealam pa doon. Ang alam ko lang ay kailangan ako ni Angelina.

"Yang ano bang nangyayari?"

"Kumalma ka Eric,nandito na tayo. Ihanda mo ang sarili mo at gusto ko mag usap na kayo please"

Myhalong pangamba at pagkalito ko siyang tiningnan na ngayon ay nakatitig lang sa mata ko.

"Anong ibig mong sabihin?"

Hindi siya umimik pa at tinapik ang aking braso.

Nagbukas ang pinto sa harapan namin at lumabas si Mark doon.Medyo patago ang kwarto na ito at ngayon ko lang din ito napuntahan.

"Mark Yang ano ba talagang nangyayari? Nasaan si Angelina please nag aalala na ako"
Hindi ko makuhang kumalma gayong hindi ko alam kung anong nangyari at kung nasaan si love.

Kanina pa nilang iniiwasan ang tanong ko at ang kaninang natatarantang mukha ay napaltan ng ngiti.

"Pumasok kana sa loob Eric para malaman mo kung ano ang kalagayan niya"
Mahinahong sabi ni Yang at pinagbuksan ako ng pinto.

Pumasok ako at nakita ko si Angelina na nakaupo sa isang mahabang sofa habang nakatakip ng kamay ang mga mukha.

Naramdaman ko naman ang pagsara ng pinto at mukhang naka lock ito.

Sa paghakbang ko papalapit sa kaniya ay kulang nalang ata lumabas ang puso ko sa sobrang bilis ng tibok nito.

Ang mga luhang tumigil sa pagdaloy ay muling nagsilandas.

"An-gelina"
Nauutal kong saad ng mapatigil ako sa harap niya

Nagtaas siya ng tingin at bumungad sa akin ang mga matang namamaga,mapupulang pisngi at pilit na ngiti.

"E-ric"
Alam kong pilit niyang binanggit ang aking pangalan kalaban ang mga hikbing bumabalot sa kwarto.

Parang nadudurog ang puso ko sa nakikita ko.

Nahihirapan siya sa aming relasyon sa aming sitwasyon.

Parang hindi ko kayang muli pa siyang makitang ganito sa kabila ng mga pinagdaanan niya. Alam kong unfair ako dahil sa amin siya ang sobrang nagmahal at siya din ang sobrang nasasktan.

Pinunas ko ang mga luha ko at marahang hinaplos ang pisngi niya para matuyo ang mga luha niya. Lumuhod ako sa harap niya at niyakap ng mahigpit na dama ko ang pagtugon niya dito.

"Love sorry"
mahina kong usal habang hinahaplos ang likod niya.

"Gusto ko sanang makinig ka muna sa sasabihin ko,pwede ba"

Tango ang naisagot niya habang nakaharap sa akin.

"Love,alam kong mali ako sa inasal ko sana patawarin mo ako.Si Morrie maniwala ka man o hindi kaibigan ko lang siya dahil diba Love alam mo at nararamdaman mo na ikaw lang ang mahal ko. Ikaw at ikaw pa rin ang mamahalin ko kasi Love ikaw yung taong nagbago sa akin. You made me a better man to fit for you who's a strong woman."

PERPETUITY Where stories live. Discover now