KABANATA IX

379 25 2
                                    

Max's POV

Napatitigan ko na lamang ang dalawa na halos hindi na mapaghiwalay simula ng makalabas si Eric sa hospital dahil daming kwento ni Angelina iniwan ko na muna sila sa kwarto ni Eric at sinamahan sila Regina at Chris sa sala

"Bro kamusta yung dalawa"
Pagtatanong ni Chris

"Ayun nasa taas iniwan ko na muna at nagkukulitan nag eenjoy sa moment nilang dalawa haha"

"Nakakamiss silang dalawa"
Malungkot na saad ni Regina at hinawakan naman ni Chris ang kamay nito

"Ano ba kayo,wag nga malungkot ang isipin nalang natin ay ang pagbalik ng ala ala ni Eric and balita ko mauwi daw si Angelina mamaya sa inyo"
Bigla namang nagliwanag ang mukha ng dalawa na halos araw araw na din nandito sa bahay para makita si Angelina

"Talaga Max,paano mo napapayag salamat naman kung ganun antagal na din na hindi siya nauwi"
Masigla nitong saad

"OA ka na naman Regina haha tatlong araw lang hindi umuwi ang anak natin at tsaka oo nga pala bro salamat at nakausap mo siya"
Natatawang saad ni Chris

"Matagal na ang tatlong araw Chris ha naku palibhasa hindi mo namimiss anak mo mondy ka kasi"
Pang aasar pa ng isa

"Namimiss ko ang anak natin kaya lang hindi ako kasing oa mo at nas mondy ka sakin remember"
Sabay sabay naman kaming nagsihagalpakan ng tawa

"Naku naku tama na nga iyan at baka mag away pa kayo hahaha mabuti pa at magluto na tayo ng hapunan dahil baka mamaya bumaba na yung dalawa"

"Oo nga pala,si Eric ang kumumbinsi kay Angelina na umuwi para makapag usap kayo. Hindi naman siya galit ang totoo nga nakausap ko na siya at naintindihan niya tayo,medyo nagtatampo lang siya sa inyo lalo na kay Yang"
Pagdadagdag ko sa sasabihin ko

"Kakausapin na lamang namin siya mamaya,dahil ayaw ko din na may pagitan sa aming pamilya"
Seryosong saad ni Chris at tumango lang kami ni Regina

Maya maya pa ay nagtungo na kami sa kusina para magluto,dating gawain naming tatlo noon si Regina ang magluluto kami ang mga alalay at nagpeprepare ng lamesa

"Oh paano ba yan dating gawain haha ako na taga gayat ng lahat ng ingredients at gamit sa pagluto"
Nang aasar na saad ni Chris at nagsimula na ihanda lahat ng gagamitin sa pagluluto

"Syempre ako sa table yun lang alam ko e and Regina"
Pang aalaska ko pa at sabay kaming napatingin sa nakakunot noong si Regina

"Ano pa bang bago doon mga mondy kayo hahaha syempre ako ang magluluto"
Natatawang saad nito at lahat kami ay napahagalpak ng tawa

Habang kami ay nagluluto ay napuno ng tawanan ang kusina dahil sa mga kwento ng bawat isa

kalahating oras ang lumipas at bumaba ang dalawa na nagtatawanan habang si Regina ay busy sa pag luluto at kami ni Chris ang taga tikim.

"Mukhang masaya ang mga anak namin ha"
Pambungad ni Chris

Ngumiti lang ang dalawa at iwas na tingin si Angelina sa ama,kaya naisipan ko na hayaan na muna sila sa kusina habang kami ni Eric ay nanunuod ng tv.

Angelina's POV

Talagang nagsanib pwersa pa ang mag ama ara pagbatiin kami napangiti nalang ako kay Tito ng ayain niya si Eric manuod ng TV.

Ako naman ay naiwan na nakaupo sa dining,well gusto ko rin naman mag sorry kay Mommy at Daddy sa inasal ko kaya ito na yung chance ko.

Kinakabahan ako dai....

Parang napipi ako sa sandaling ito dahil nakatingin lang si Daddy sa akin ngumiti ako at tinugunan naman niya ang ngiti ko sumenyas siya na lapitan ko si Mommy dahil alam ko na si Mommy ang mas naaapektuhan pag di kami okay.

Niyakap ko siya mula likod na kinagulat niya kaya napalingon siya sa akin at nagpatuloy sa pagluluto.

"Sorry Mommy,alam ko nasaktan kita kayo ni Daddy sa inasal ko pero masyado po kasi akong nasaktan sa paglilihim ninyo"
Hindi ko naman namalayan na napatak na pala ang mga luha ko,tumigil siya sa pagluluto at humarap sa akin

"Kami nga dapat ng Daddy mo ang mag sorry kasi nasaktan ka namin naglihim kami sayo and ng dahil sa amin nasira ang tiwala mo sa sarili mo at syemre sa amin kaya sorry anak sorry kasi hindi kami naging mabuting magulang sayo bagkus nasaktan ka pa namin"
Naiyak na din niyang tugon at napapatingin kay Daddy na naiyak na rin

Pinunasan niya ang luha ko at ganun din ako sa kaniya,pagkuway lumapit si Daddy sa amin at yumakap

"Sana anak mapatawad mo kami ni Mommy mo,kasi nagawa lang namin yun dahil iniisip ka namin at mahal na mahal ka namin. Kahit matanda ka na baby girl ka pa rin namin"
Natatawa naman nitong pagtatapos sa sasabihin

"Anong matanda ka diyan hindi never tatanda ang baby ko kasing baby face yan ni Mommy hindi ba anak"
Pagmamaktol nito natawa nalang kami ni Daddy sa sinabi ni Mommy

"Naku parang bata Mommy,mahal ko kayo and hindi naman ako sa nagalit alam mo yung nagtampo lang ako kasi antagal din na naglihim kayo pero kahit ganun inalagaan niyo pa rin ako and si Eric Daddy"
Napasulyap naman ako kay Daddy na nakatungo

"Alam mo naman na hindi kita kayang makita na nasasaktan,kaya lagi ko siyang dinadalaw para sayo para manlang makabawi sa sakit na naidulot namin,alam namin na si Eric lang nag mahal mo kaya dapat alagaan din namin siya at mahalin kasi mahal siya ng prinsesa namin. Inalagaan namin siya para sayo anak and sana pagbumalik na ala ala ni Eric siya naman ang mag alaga sa prinsesa namin"
Muli na naman pumatak mga luha ni Daddy

"Thank you Daddy kasi naramdaman ko naman na mahal na mahal mo ako kahit noon pa man and syempre kay Mommy na never umalis sa tabi ko. I love you both"
Muli kaming nagyakap yakap at dumating naman ang dalawa at nakisali sa family hug

"I love this family"
Sigaw ni Tito Max

Nagtawanan nalang kami at sabay sabay na sumigaw ng....

"PAMILYA PA RIN SA 2020"

Matapos ang kadramahan ay nag ayos na kami ng table at kumain namayani ang tawanan at kulitan kwentuhan para sa aming Eric para mas maalala niya ang lahat...

Napakasaya na magkaroon ng buo at masayang pamilya hindi lahat ng pamilya perpekto. Minsan magulo,hiwalay pero sa huli mananaig ang pagmamahalan at patawaran.

Thank you please do vote and comment for updates 💚

PERPETUITY Where stories live. Discover now