KABANATA XXI

317 17 2
                                    

Angelina's POV

"Tita okay na po lahat ng kailangan for Angelina and Nathan's event sa Canada"

"Anong event at bakit hindi ko akam"
Ani ko habang nababa ng hagdan papalapit sa kanila

Hindi ko alam na meron akong event at sa Canada pa.

Parang hindi ko kayang iwan si Eric na ganito ang sitwasyon niya.

"Anak kasi yung Mommy ni Nathan nagrequest na magshow kayo sa Canada sa kanilang family event, alam kong ayaw mo pero si Nathan kasi ang mapilit e"

"Pero paano si Eric alam niyo naman na kailangan niya ako ngayon. And sana sinabi niyo muna sa akin bago kayo pumayag."

"Gel kasi sabi ni Nathan siya na daw magsasabi sayo"

"Sorry anak pwede naman natin kausapin si Nathan about dito"

Hindi pwedeng malaman ni Nathan na kaya ako wala dahil kay Eric baka kung ano ang gawin niya pagnalaman ang kalagayan niya.

"Hindi na Mommy ako na kakausap sa kaniya"

Natahimik kami habang nakaupo sa sala at ako naman ay pinag iisipan kung paano makakalusot kay Nathan.

Hindi ko kayang malayo kay Eric knowing na ganito ang kondisyon niya.

"Mam Angelina"
Ani manang kaya napatingin ako sa kaniya

"Si Sir Nathan po tumatawag"

Tumayo ako at tinungo ang telephono

"Hello Nathan napatawag ka?"
Mahinahon kong saad

"Bads kasi gusto kong ipaalam sayo na my event tayo sa Canada family event namin gusto ni Mommy na magperform tayo doon."

Sheyt ano bang pwedeng ireason isip Gelllll...

"Ahh kasi Bads...

"Angelina please kahit ngayon lang antagal mo na ngang hindi nagpapakita sa akin e nagtatampo na ako"

Ang drama naman ng isang ito baka siguro mas okay na malayo ito habang nagpapagaling si Eric.

"Sige na Bads nagdadrama ka pa,ilang araw ba?"
Pagbibiro ko kahit gusto kong sabihin na pakealam ko kung nagtatampo siya.

"Salamat Bads,4 days lang naman"

Sheyt 4 days antagal naman nun parang mababaliw ako kakaisip kay Love pag ganun katagal.

"4 days?antagal naman nun Bads e magpeperform lang naman tayo ha"

"They invited you sa bahay kasi Bads if okay lang kasama naman natin si Yang"

Ano pa nga bang magagawa ko.

"Sige na Bads,sabihin ko nalang kay Yang. Mauna na ako marami pa akong gagawin"

"Ahh wait Bads"

"Bakit?"

"Pwede ka ba tonight"

Hindi pwede baka magising si Eric gusto ko nandito ako pagnagising siya.

"Sorry Bads hindi ako pwede e,kita nalang tayo sa airport"

Binaba ko na ang telepono at napa buntong hininga nalang.

"Lalim noon anak ha"

"Daddy kayo po pala"

Lumapit siya sa akin at binigyan ako ng mahigpit na yakap.

"Chrisgine always remember na nandito lang ako and si Nathan huwag kana matakot sa kaniya okay, ako na ang bahala sa kaniya"

Parang isang malaking pag asa sa akin ang sinabi niya. Nakalas ako sa pagkakayakap at tiningnan siya. Nakita ko ang pagbagsak ng mga luha niya.

"Dad-dy anong ibig niyong sabihin"

He seems so calm and happy

"You and Eric is not in danger,he's a good person Chrisgine. Pero kailangan mo pa rin mag ingat dahil inaalam pa nila Tito Dom mo kung bakit niya gusto mapalapit sa iyo. Basta anak sakyan mo lang ang lahat ng ginagawa niya. And mas okay sana kung open kayo ni Eric sa mga nangyayari"

"Thank you Daddy"

"Tara na sa Mommy mo baka hinahanap ka na nun"

Nagpunta na kami kanila Yang at Mommy na masinsinan na nag uusap.

Umakyat na muna ako at pinuntahan si Eric,nang makapasok ako ay mahimbing pa rin ang tulog niya para siyang bata.

"Love,konting tiis nalang magiging okay na ang lahat.Alam mo good news yung sinabi ni Daddy Love kasi sabi niya safe na daw tayo pero mag iingat lang. Sana Love pag gising mo naaalala mo na lahat para Love matulungan mo ako ngayon kasi pagod na ako Love pero kailangan kong tatagan para sayo,para sa atin Love. Mahal na mahal kita"

Mas hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay niya at hinalikan siya sa noo.

KINABUKASAN maaga akong nagising para umuwi dahil ngayon ang alis namin ni Yang para sa event namin ni Nathan.

"Tito mauna na po kami my flight pa kasi kami babalik po ako agad pag tapos"

"Sige ija,mag ingat kayo and thank you sa pagbabantay kay Eric"

Nagpunta na kami sa sasakyan habang nasa byahe natawag si Nathan pero hindi ko na sinagot.

Mabilis kong inayos ang mga gamit ko na dadalhin at inilagay na iyon sa sasakyan.

"Bads buti nandito na kayo tayo na"

Nang makarating kami mas pinili ko na sa hotel mag stay kesa sa house nila Nathan. Ayoko naman na mymasabi si Love at tsaka doon ako komportable.

Tinawagan ko muna si Tito Max para icheck kung okay na si Eric.

"Hello Tito"

"Ikaw pala Chrisgine kamusta na nasa Canada na ba kayo,"

"Yes po Tito,sa linggo din po ang uwi namin. Kamusta na po si Eric"

"Okay naman,nagkamalay siya kanina pero nakatulog ulit. Mabuti at hindi nagderetso dahil sigurado na ikaw ang hahanapin nito"

"Mabuti naman po kung ganun,sige po Tito tatawag nalang po ulit ako"

"Sige mag ingat ka diyan ha at tsaka huwag mo alalahanin si Eric dahil kasama ko naman ang Mommy at Daddy mo"

Pagkaputol ng usapan namin ay nagpahinga nalang ako para fresh bukas para sa event.

Hindi ko din gusto na magtagal dito kaya baka sabado mauwi na din ako.

Thank you. Vote and comment. 💚

PERPETUITY Where stories live. Discover now