KABANATA XXXIV

355 20 1
                                    

Angelina's POV

Saturday naman ngayon at wala akong work.

Pero pupunta ako ng studio para dalawin si Eric alam kong pagod siya dahil sa sunod sunod na show ang natanggap niya and dahil ngayon nalang din ulit kami magkikita kaya ipagluluto ko siya.

Mabilis ko lang natapos ang lahat ng dadalhin ko kay Eric at ako na din ang nagdrive sa sarili ko.



Nasa parking na ako ng nagtext si Yang.

Yang

Gel,diba punta ka kay Eric today dito na kayo sa office ko mag lunch para mykasabay ako share na din.

Napangiti nalang ako ng mabasa ang text niya kahit kailan talaga ang babaitang ito haha

Apakagaling din mambudol eh,mabuti at madami dami ang naluto ko na sigurado naman akong kasya lang sa aming tatlo baka nga sobra pa.

Nagpatuloy na ako sa paglakad papunta sa Dressing room ni Eric.

Ng makarating ako nadatnan ko nalang na walang tao kundi si Carlo isa sa mga kasama ni Eric sa dressing room.

"Nasa rehearsal pa si Eric,pero patapos na din naman"
Agad naman niyang sabi ng napansin niya na nagmamasid ako

See alam na alam talaga nila kung sino ang hinahanap ko.

Paano ba naman hindi eh halos lahat ata sila ay nalaman na ang about sa amin ni Eric maliban sa fans namin na ngayon ay todo ingay sa twitter,fb and ig kung ano na ba daw ang status namin.

"Sige hintayin ko nalang salamat"

Naupo naman ako sa upuan ni Eric at inayos ang gamit niya.

Kahit kailan si Eric minsan mypagkaburara din.

Siguro kung mag asawa na kami baka ito ang lagi naming pagtalunan ang mga gamit niyang kung saan saan nakalagay .

Ewan ko ba sa lalaking ito parang babae minsan,ang gulo ng gamit nadaig pa talaga ako mga mamsh.

"Angelina"

Napatigil ako sandali bago ko nilingon ang babaeng nagsalita.

Wala akong idea kung sino dahil una sa lahat wala masyadong natawag sa akin ng buong name ko at the same time hindi rin familiar ang boses na medyo myhalong kaba.

Actually hindi ako nagulat ng makita siya na nakatayo sa my likuran ko.

Prenteng nakatayo at parang inaabangan talaga akong lingunin siya. Well swerte niya at hindi ko nabosesan siya dahil kung hindi baka hinayaan ko lang siyang nakatayo sa likuran ko.

Taas noo ko naman siyang tiningnan lang. Tama lang ang iasal ko dahil sa mataray niyang tingin na akala niya ata ay mayuyupi ako.

Not to you my dear.

"Anong kailangan mo?"
Derekta kong tanong

Wala naman akong pakealam kung anong sasabihin pa niya. Gusto ko lang deretsohin bago pa siya maabutan ni Eric dito.

"Im here to say na hindi ako titigil na maagaw si Eric sayo. Dahil sisiguraduhin ko na akin siya at akin lang siya. Na sa huli ako at ako pa rin ang pipiliin niya."
Ramdam ko naman ang nginig ng boses niyang galit na galit

Para na namang baliw ang isang ito na inaangkin ang pag mamay ari na ng iba.

Naku,bakit kaya my mga ganitong tao ang hilig mang agaw knowing na kahit kailan hindi mapapasakanila ang isang taong mynag mamay ari na ng puso.

PERPETUITY Where stories live. Discover now