KABANATA XXXVI

349 17 0
                                    

Angelina's POV

Today is the day.

Maaga akong nagpunta sa studio para makausap si Nathan,pero dumaan muna ako sa dressing room ni Eric para magpaalam na kakausapin ko si Nathan

For the very last time na magkakausap kami I want to know the truth about the thoughts about Morrie kung ano ba talaga ang meron sa kanila

"Love"
Paglalambing ko kay Eric

"Oh yes Love,ano yun"
Aniya at humarap sa akin

Kinakabahan ako sa part na baka hindi niya ako payagan lalo na ng malaman niya ang about sa nangyari sa amin noon sa Canada

FLASHBACK...

"Angel can we talk"

Nabigla ako ng dumating siya sa bahay at walang imik sa kahit na sinong kasama ko,sobrang kaba ang naramdaman ko dahil na rin sa kaniyang seryosong mukha

"Ye-s Love oo naman about saan"
Nabubulol ko pang sabi ng magpalipat lipat ang tingin ko kanila Eric,Daddy Mommy,and si Yang na kasunod lang ni Eric

And with that alam ko na kung bakit siya ganito..maybe nabanggit na ni Yang ang nangyari no worries for her kasi binigyan ko siya ng permiso

"Gel"
Pagtawag ni Yang at sumenyas na kausapin ko na

"Tito and Tita mag uusap lang muna kami ni Angel"
Magalang niyang paalam at agad na hinawakan ang kamay ko halos madapa pa ako sa sobrang bilis niyang mag lakad

Nang muli akong mapatid ay hindi ko na maiwasang sigawan siya at pumiglas sa pagkakahawak

"Eric ano ba nasasaktan ako,bitawan mo kamay ko"
Sigaw ko ng sabi dahil sa sakit ng paa ko kakasunod sa kaniya

Wala pa rin reaksyon pero kita sa mata niya ang galit..at takot

"Ano ba,nasa labas na tayo umimik kana ano bang problema mo"
Mahinahon ko ng sabi dahil ayoko pa ng magkaaway kami

"Sakay"
Tipid niyang sabi

Sinunod ko nalang siya para na rin umusad ang usapang ito

Habang nagmamaneho siya ay hinawakan ko ang kamay niya pero agad niya itong tinanggal

"Eric ano ba? Ikaw ang gusto makipag usap tapos hindi ka iimik"

"Eric ano ba?itigil mo ang sasakyan bababa na ako!"
Sigaw ko na sa kaniya pero sa kalsada lang ang tingin niya

Sobrang kinakabahan na ako dahil ngayon ko lang siya nakitang ganito

Ganito kagalit at takot...

Yung wala akong magawa

"Eric ano ba"
Muli kong sigaw na natinag siya

"Bakit"

Doon ay natahimik ako

Nakita ko kung paano pumatak ang luha niya at tinigil ang sasakyan

"Bakit hindi mo sinabi sakin Angelina"

"Lo-ve"

"Bakit hindi mo sinabi,para sana naprotektahan kita sa kaniya bakit hindi mo sinabi? Kung hindi ko pa kamustahin kay Yang ang show niyo sa Canada hindi ko malalaman na sinaktan ka niya Love. Alam mo ba yung naramdaman ko ha? Takot na takot na takot ako para sayo,galit na galit ako sa sarili ko dahil sobrang pagkukulang ko sayo hindi kita makuhang maipagtanggol knowing na ako ako yung lalaki dapat prinoprotektahan kita Angel"

Halos kapusin na siya sa pagsasalita dahil ng pag iyak..

Alam kong mali din ang desisyon ko at nasaktan ko siya kita ko yung takot niya yung takot na kahit kailan hindi nawala..

PERPETUITY Where stories live. Discover now