KABANATA VII

333 23 2
                                    

Chris's POV

Maaga akong nagising para mag ayos sa bahay,wala si Regina dahil sumunod kay Angelina at Yang. Mabuti at nakausap ko siya kaninang madaling araw para ipaalam ang magiging set up mamaya pagdating nila Eric at Max. Kinakabahan ako sa pwedeng mangyari pero kailangan namin harapin ang consequence ng naging desisyon namin noon.

How I wish nababago ang nakaraan hindi ba... Kung sana nga lang Chris nababago edi sana hindi ko sinagot ex ko noon kung alam kong gago siya Ooops sorry extra lang haha balik tayo sa story....

Agad akong nag ayos ng sarili at inupdate ang catering service na kinuha ko para makapagayos na sa bahay. Maunti lamang ang tao pero wala naman din akong choice kasi hindi ako kasing galing ng mag ina ko sa kusina.

Tinawagan ko si Max para sa update sa kung nasaan na sila ni Eric

Callinggg Max.....

"Hello bro"
Panimula nito

"Bro goodmorning,ah tanong ko lang nasaan na kayo ni Eric?"
Medyo kinakabahan kong tanong na napansin naman niya dahil nga sa habol ang hininga ko sa pagsasalita

"Bro relax mukhang kabado ka ha,magiging okay ang lahat and nandito na kami sa airport ni Eric uuwi muna kami para makapagpahinga tapos diyan na kami ng lunch"
Natatawa pa nitong saad medyo mondy din e

"Sige bro,kinakabaham kasi ako sa pwedeng maging reaksyon ni Chrisgine e,sige bro ingat kayo ha"

Call ended....

Tinext ko naman si Regina kung nasaan na sila ni Chrisgine dahil dapat hindi nila maabutan ang mga mag aayos dito sa bahay,kilala ko si Chrisgine magpipilit yun umuwi pag inaantok at pagod

Text messages

Love,goodmorning nasaan na kayo ni Chrisgine?

Love goodmorning nandito pa sa tagaytay pero baka hindi kami dumeretso ng uwi mamaya nalang lunch kasi nag aya ang dalawa mag mall okay lang ba love?

Sige love mas okay yun,basta I'll call you pag ready na lahat. I love you love. Ingat kayo ng mga bata.

End of conversation.

Mga ilang oras ay dumating ang mga mag aayos ng bahay iniwan ko na muna sila sa driver at ibang kasambahay na tinawag ko para makatulong mamaya.

Nagtungo ako sa Q's flowershop para bumili ng mga bulaklak for my two Queens and para na din pangbigay ni Eric. Alam ko naman ang kalagayan niya kaya naisip ko baka nakalimutan na din niya maging sweet,ako na muna gagawa para sa mahal ng aking anak.

Angelina's POV

Masyado pang maaga para pumunta ng mall kaya naisipan ko na gisingin sila Mommy at Yang ng maaga para makapag libot sa park.

"Rise and Shine pretty girls!"

"Gel aga pa naman,ano ba ang ingay"
Pagmamaktol ni Yang at muling nagtakip ng kumot sa buong katawan

"Goodmorning Princess,mukhang maganda gising natin ha"
Ani ni mommy at hinalikan ako sa noo

"Goodmorning Mommy,gusto ko po sana maglakad lakad sa park kung okay lang"
Naglalambing kong sabi na kinadamog ni Yang at tumayo na

"Hay nakuuu! Hindi ko yan matatanggihan kahit na inaantok pa ko,pwede bang mag bike tayo"
Pakunwari pa nitong pagdadamog at sandali pa ay nagpunta ng banyo at nakinguna sa pag aayos

Ganyan yan pakunwari laging ayaw pero gusto naman mga baliw din talaga ang mga bestfriend minsan e hahah

Nagsigayak na kaming lahat at makalipas ang 20mins ay nagpunta na kami sa park at nagbike lumibot sa buong park at nag coffee sa malapit na CS.

PERPETUITY Where stories live. Discover now