KABANATA XXXVIII

329 14 0
                                    

Angelina's POV

Nagising ako ng bumuhos ang malakas na ulan pero ang dalawang bata na katabi ko ay sobrang himbing ng tulog

Sino ba naman ang hindi masarap ang tulog kung ganito ang panahon diba tapos katabi mo pa ang mahal mo

Isa isa kong tinanggal ang kamay nilang dalawa sa katawan ko at natayo na para makapagluto ng umagahan

Bahala na itong dalawa kung magising sila na magkatabi ng matuto din sila kukulit e

Naghilamos na muna ako at toothbrush tsaka bumaba bukas na ang ilaw sa kusina kaya sure ako na gising na si Mommy

Palapit na ako sa kusina ng marinig ko ang kanta ni Mommy habang nag gagayat sabi ko na siya ang nagluluto kami lang naman kasing dalawa ang nagluluto dito at mahilig

"Good morning sa maganda kong Mommy"
Masigla ko pang bati at niyakap siya mula sa likod

"Good morning my Angel aga mo ata nagising si Eric wala ba work"
Balik bati niya

Hindi ko na muna siya ginising dahil alam kong bitin ang tulog niya at tsaka mamaya pang lunch ang kaniyang show

"Hindi pa Mommy mamayang lunch pa din naman ang show niya kaya hindi ko na muna inabala ang tulog"

"oh ganun naman pala ay si Yang narinig ko kayo kanina ang ingay niyo ano bang nangyari ha at parang nagkasagutan pa kayo"
Natatawa pa niyang sabi

Nailing nalang ako sa sinabi ni Mommy kala ko kasi talaga tulog pa siya eh naalala ko maaga nga pala siya nagising lalo na pag meron siyang binabasang book

As in ang aga or minsan madaling araw na siya matulog makapag basa lang

Even the books na sinulat ko binabasa niya para ngang nakailang ulit na basa na niya yun

"Ayun po nagdrama lang kagabi sa amin ni Eric about sa napanuod niyang movie and worst tumabi pa sa amin sa pagtulog"
Naiirita ko pang sabi

Pero okay lang naman talaga na tumabi siya sa amin bitin kami kagabi pero atleast hindi ako pagod dahil kung nagkataon na natuloy baka hanggang ngayon tulog pa ako

Kidding aside

Natawa pa si Mommy at inabot sa akin ang knife bago tuluyang umupo at uminom ng kape

Ano naman kayang nakakatawa? nakakainis nga e

"Naku po sa tono ng pananalita mo parang my naudlot ha"
Nanliliit naman ang mata niyang nakatitig sa akin

Oh teka ano ito don't tell me alam niya ang ginagawa namin e room ko yun at tsaka as far as I know hindi kaagad maririnig ang boses namin kung myginagawa man kami

Hayst napapraning agad Angelina napapghalatang my naudlot talaga e

"Mommy naman syempre wala"
Pagmamalinis ko pa at naupo na din sa kalapit na upuan

Napangiti nalang siya at ako ay nag gayat

Nasagi naman sa isip ko ang about sa napag usapan namin ni Eric last week ang tungkol sa wedding

Sabi kasi ni Eric na kung okay lang na next year kami magpakasal para panibagong taon panibagong buhay panibagong panimula ng saya

Yung tipong sasalubungin mo ang bagong taon ng puno ng pagmamahal

"Mommy"
Pagputol ko sa katahimikan na namuo

"Hmmm yes Angel"
Aniya at tumingin sa akin

Ewan ko lang kay Mommy pero nasasanay na siyang tawagin akong Angel kung minsan pa nga ay Gine or Chrisgine depende sa mood niya

PERPETUITY Where stories live. Discover now