Chapter 10

812 35 17
                                    

[Chapter 10]



W-Wait???

L-Lord, a-anong sign ba 'to?

"Huy!"- nasa harap ko na sya, natauhan naman ako.

"A-Ano ba 'yon?!"- i ask

"Mag-palit tayo ng report."

"Ha? Bakit pa? Huwag na."

"Nagawa mo na ba yung sa'yo?"

"Hindi pa."

"Hindi pa pala eh, edi magpalit na tayo."

Napa-tss nalang ako, kahit kailan talaga. Argh! Kinuha ko yung photocopy sa bag ko.

"What is this?"- nagulat naman ako nang bigla nyang kunin yung kwintas ko.

"Akin na nga!"- tumayo na ako, pero nilalayo nya.

"Wait lang, tinitignan pa eh."- he said

Tsk naman!

"Akin na kasi, Raven!"

"Bakit ba? Para namang sobrang ganda nito? Ang panget! Kasing panget ng pangalan ng section nyo."- sabi nya habang nakatingin sa kwintas. Tsk, sama talaga ng ugali ng unggoy na 'to.

"Bigay lang naman kasi sa kanya 'yan, Raven."- Ami said

Napatigil naman si Raven at agad napalingon sa tatlo. Nagka-chance naman ako na makuha yung kwintas, kaya inagaw ko na agad.

"Oo Raven bigay sa kanya ni George, manliligaw nya."

Nagulat naman ako sa sinabi ni Hazel.

"Huy hindi!"- i said

Nanlaki pa ang mga mata ko nang bigla nyang kinuha yung letter sa box.

"Raven ano ba?!!"- inaagaw ko pero ayaw nya ibigay.

Wala na akong magawa, binabasa nya yung nasa sulat. My god naman! Huhu! After nyang basahin .. tumingin sya sa akin at ngumise, mas nagulat pa ako sa ginawa nya. Nilukot nya yung papel sabay hagis dito sa box.

WHAT THE???!! AAARRRRRGHHHH!!

"B-Bakit mo ba ginawa 'yon?!"- naiinis na ko.

"Walang kwenta, suitor?"- unti unting natatawa si Raven. Tss, sabi na eh. Bully!

"Biruin mo 'yon may pumapatol pa sa'yo?"- he said, tawa pa sya ng tawa.

Napasalubong ang dalawang kilay ko. Sumusobra na talaga sya!

"Oo, meron! Hindi kasi sya kagaya mo. Mapag-panggap, masama ang ugali at higit sa lahat manloloko!"

Napatigil agad sya sa pagtawa nya, napaseryoso na ang mukha nya ngayon.

"A-Anong pake ko?! Mas gwapo naman ako nang di hamak sa kanya!"- he said

Tss!

"Gwapo ka lang, pero hindi ka boyfriend material!"

Halatang naiinis na sya.

Lumapit naman sya sa akin, napapalunok ako. Ang sama ng tingin nya.

"Kung makapag-salita ka parang hindi ka na-inlove sa akin ha? O know you still like me, right?"- nakangise nyang tanong.

"D-Dati nga yun! At hindi na ngayon!"- i said

Napaupo na ko at napatingin sa gilid ko, ang lapit na naman ng mukha nya! Hinawakan nya ang mukha ko at iniharap sa kanya.

Love GeniusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon