Chapter 25

482 27 1
                                    

[Chapter 25]



(GARNETT POV)

Kinabukasan, habang kumakain kami ng agahan ..

"So sad, first time ata nating hindi makakasabay si Garnett pumasok sa school na ganito ang dahilan."- Elisha said

Hays, pati ako nalulungkot rin.

"Kainis talaga kasi yang Sarrah na yan eh! Kapag talaga nakita ko yang babaeng yan? Nako talaga sasabunutan ko talaga sya!"- Ami said

"Relax."- Hazel said

"Guys no, hayaan nyo na 'yon."- i said

"Paano 'yan Garnett? Mag-isa ka lang dito?"- Hazel ask

"Mag-full time muna ako sa restaurant ngayong week."

"Really? Eh paano yan nandun si Raven hindi ba?"- Ami ask

Naisip ko bigla yun.

"Basta, iiwas nalang ako."

Pagkatapos namin kumain umalis na yung tatlo, napahinga nalang ako ng malalim at nag-ayos narin ng sarili tapos umalis narin agad ako.

Pagpunta ko sa restaurant nakita ko agad si Sir Ravil.

"Good morning po, Sir Ravil."- bati ko

"Oh Garnett? Napaaga ka ata ngayon?"- he ask

"S-Sir, yung tungkol po sa .."

"Alam ko na ang tungkol dun, and don't worry naiintindihan ko. Hindi naman dahilan yun para alisin ko ang scholarship ko sa'yo."- napangiti ako sa sinabi ni Sir, ang bait nya talaga. Huhu!

"Salamat po, Sir. Ahm Sir, pwede po ba akong mag-full time kahit ngayong week lang po?"

"Oo naman, no worries."- he smiled

Tumango nalang ako at ngumiti.

After that nag-palit na ako ng uniform then nag-start narin akong mag-trabaho, pagdating ng mga 9am dumami ang customers kaya very busy ang lola nyo.

Habang nakatayo ako dito sa menu at nakatingin sa mga customers naalala ko bigla si George.

Si George ang nag-turo sa akin mag-umpisa dito ..

Siya ang unang lalaking nag-paramdam ng pagmamahal sa akin ng totoo, b-bakit nga ba hindi ko sya pinili? Siguro kung siya ang pinili ko hindi ako nasasaktan ngayon.

"Ayos ka lang ba?"- napalingon naman ako sa likuran ko, si Deanne isa rin sa mga waitress dito.

"Ah oo ayos lang ako."- i smiled

"Really? Napapansin ko parang kanina ka pa malungkot."

Ngumiti ulit ako ng pilet.

"Don't worry, may naalala lang akong isang kaibigan."

"Kaibigan? Sino naman?"

I smiled ..

"Si George."

"Si George? Yung dating nagtatrabaho dito?"

Tumango ako, napatango-tango rin sya at napangiti nalang.

"Alam mo super duper bait talaga nun ni Sir George, minsan natulungan na rin niya kami kahit sa maliit na paraan lang."

Napangiti naman ako sa sinabi nya.

"Really?"

"Oo, kaya nga nakakalungkot dahil umalis sya dito at huminto ng pag-aaral para lang mabantayan ang Mama nya."

Love GeniusWhere stories live. Discover now