Chapter 45

508 30 8
                                    

[Chapter 45]


Kinabukasan .. ako ang naunang gumising sa aming apat, bumaba agad ako ng hagdan. Pagsilip ko sa ibaba nakita kong tulog pa si Jerome.

Bumaba ako ng marahan tapos pumunta ako sa kusina para maghanda ng makakain nya, para mamaya pag gising nya makakakin siya bago umalis.

Dahan-dahan lang akong kumikilos dahil ayokong magising siya. Dahil mamaya hindi ako magpapakita sa kanya. Hays!

Nilibot ko yung paningin ko, nasaan na kaya yung gatas na binili namin ni Garnett nung nakaraan?

Hanggang sa makita ko naman sa itaas.

Aabutin ko na sana para kunin yung gatas pero naramdaman ko bigla na may marahang yumayakap sa likuran ko.

Napatigil ako bigla ..

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko ..

Siniksik nya ang mukha nya gilid sa leeg ko.

H-Hindi ako makagalaw ..

G-Gising na siya?



DUGDUGDUG DUGDUGDUG DUGDUGDUG DUGDUGDUG


Tatanggalin ko na sana yung kamay nya sa waist ko pero mas lalo nyang hinigpitan ang yakap sa akin.

"Five minutes."- he whispered

Napatigil na ako at hinayaan nalang siyang ganun. Hindi ko alam pero nakakaramdam na naman ako ng kirot sa dibdib.

A-Ang sakit ..

"I wish .. we're always like this."

Tahimik lang ako.

"I wish, you still love me .."

Gusto kong sabihin sa kanya na mahal ko parin siya at kahit kailan hindi 'yon nawala, p-pero hindi ko magawa.

Tinanggal ko ang kamay nya at humarap sa kanya.

"Please stop? T-Tama na."- i said, ayoko ng masaktan.

Pero imbes na sumagot siya hinila nya ako at niyakap pa ng sobrang higpit.

"H-Huwag kang mag-alala, huling yakap ko na 'to sa'yo, gusto ko lang lubusin ang mga oras na 'to habang kasama ka."

Hindi ko na alam pero tuluyan na namang tumulo ang mga luha ko.

After minutes ..

Marahan siyang lumayo sa akin, nananatili lang akong nakatingin sa kanya.

He gave me a sweet smiled then marahan nyang pinunasan ang pisnge ko. Unti-unti niyang nilapit ang mukha niya sa akin at marahan akong hinalikan.

Tumutulo ang mga luha ko habang magkadampi ang mga labi namin sa isat-isa.

Pagkalayo nya sinandal nya ang noo nya sa noo ko, napatingin ako sa ibaba .. hindi ko na mapigilang hindi umiyak.

"I-I love you, Hazel .. a-and I'm sorry.."

Pagkasabi nya nun lumayo na siya sa akin at tsaka umalis.

Napahagulgol na ako ng iyak, hindi ko na mapigilan ang sarili kong sundan siya. Agad akong lumabas ng kusina. Palabas na siya sa pinto nang lumapit agad ako sa kanya at agad siyang niyakap mula sa likuran nya.

"M-Mahal kita Jerome......m-mahal na mahal kita......sorry....s-sorry kung hindi ko magawang i-ipaglaban ka........p-pero mahal kita........."- napahagulgol na ako ng iyak

Love GeniusWhere stories live. Discover now