Chapter 44

486 31 12
                                    

[Chapter 44]



Napatigil ako bigla ..

Nakatayo siya sa hindi kalayuan at nakatingin lang sa amin ngayon.

Napatayo agad ako ..


"G-George .."

Napayuko siya at tumalikod na.

"T-Teka George!"- agad akong tumakbo palapit sa kanya, pagkalapit ko hinawakan ko agad ang braso nya.

Naiiyak agad ako .. n-nalaman nya nang hindi sadyaan ang lahat.

"Bakit suot mo pa?"- seryoso nyang tanong nang hindi nakatingin sa akin, tinutukoy nya ang kwintas na suot ko.

"G-George, sasabihin ko naman sa'yo eh .. nag-hahanap lang ako ng tyempo."

Lumayo siya sa akin kaya kusang nabitawan ko siya, humarap siya sa akin at tumingin ng malumanay sa mga mata ko. Sobrang sakit, punong-puno ng mga luha ang mga mata niya.

"N-Nakakatawa 'to, n-nakakatawa...."- tumulo ang mga luha sa pisnge nya, hindi ko narin mapigilan ang mga luha ko.

Pinipilit nyang tumawa habang umiiyak, ang sakit .. ang sakit sa dibdib.

"A-Ayos na pala ulit kayo ni Raven, okay na pala .. h-hindi ko na pala kailangang umasa at maghintay."

"G-George.. I'm really sorry, h-hindi ko balak na hindi sabihin sa'yo ... a-ayaw kitang saktan ..."

"Kung alam mo lang kung gaano ako nasasaktan ngayon .. k-kung alam mo lang kung gaano kasakit ngayon ang nararamdaman ko. S-Sobra-sobra Garnett ... u-umaasa ako eh, umasa ako...."

"H-Hindi ko sinasadya, George .."

Natahimik siya at naibaba ang paper bag na dala nya, lumapit siya sa akin sabay hila ng kwintas sa leeg ko. Nabigla ako sa ginawa nya ..

"Hindi mo na kailangan 'to."- sabay tapon nya sa malayo.

Walang tigil ang pagbuhos ng mga luha sa pisnge ko. Huminga siya ng malalim at tila parang walang nangyari.

"Kalimutan na natin 'to, huwag kang mag-alala .. kakalimutan na kita."- pagkasabi nya nun tumalikod na siya at naglakad palayo.

H-Hindi ko kaya .. sobrang sakit.

"George .. p-please?!"

Sobrang sakit, hindi ko kaya na nasasaktan siya ng ganito. K-Kasalanan ko talaga 'to eh, kasalanan ko!

Hinila ako ni Raven at niyakap.

"R-Raven .. n-nasaktan ko siya .."

"Tahan na, magiging maayos rin ang lahat."


(CRISTINA POV)

"Kainin mo 'to lahat."- pinaghahandaan ako ngayon ni Jerome ng mga prutas para kainin ko.

Pinagmamasdan ko lang siya habang pinagbabalatan nya ako ng manggang hinog, nakakatuwa dahil ganito siya sa akin ngayon.

Pero ..

Alam nyo yung hindi ako masaya?

Hindi ko maramdaman ang saya na dapat maramdaman ko ngayon.

"Bakit mo ginagawa 'to?"- marahan na tanong ko sa kanya

Napatigil siya sa ginagawa nya at tumingin sa akin.

"Because you are my girlfriend."

"But you don't love me."

Love GeniusWhere stories live. Discover now