Chapter 24

456 30 6
                                    

[Chapter 24]



Pagbaba ko nakita ko agad yung tatlo na naghihintay sa akin, unti-unti na akong napapahagulgol ng iyak. Hindi ko na mapigilan.

"O-Oh Garnett?"- Elisha ask, lumapit agad sila sa akin.

"G-Guys .."- I'm crying

"What happened? Bakit naiiyak kana dyan? ha?"- alalang tanong ni Hazel

Pinunasan ko naman yung mata ko.

"K-Kasi sabi ni Ma'am Cassy .. s-suspended ako ngayong week."

Nagulat silang tatlo.

"W-What?! Grabe naman? Bakit naman sya ganun? Exams na natin next week."- Ami said

Wala na akong masabi at magawa kundi maiyak, nalulungkot at nasasaktan na talaga ako sa mga nangyayari.

"Ano ng balak mong gawin nyan?"- Hazel ask

"Edi uuwi."

"Hays don't worry Garnett, nandito naman kaming tatlo para sa'yo! Kahit i-suspend ka nila ng one week tutulungan ka namin makapag-review para sa exams next week."- Elisha said

Na-touch naman ako, feeling ko tuloy maiiyak na naman ako. The best talaga ang tatlong bestfriend ko na 'to.

"R-Really?"

"Oo naman, tutulungan ka namin. And we know naman na hindi hirap sa'yo yan, madali ka namang pumick-up agad ng mga lessons."- Hazel said

Ngumiti naman ako.

"Pero hindi kasi ako sanay na hindi ako makakapasok ng buong isang linggo eh, iba parin kapag natututo ka sa loob ng classroom."- i said

"Garnett don't worry, we can help you talaga promise namin yan sa'yo. At tsaka dont lose hope nga, dapat ipakita mo pa sa kanila lalong-lalo na sa Raven na yan na ikaw parin ang Garnett na always RANK 1."- Elisha said

Napangiti ako sa sinabi ni Elisha, parang nagkaroon talaga ako ngayon ng motivation para hindi agad sumuko. Tama sya, kailangan kong ipakita sa kanilang lahat at higit sa Raven na 'yon na hinding-hindi maaalis sa akin ang Rank 1. Ang Garnett na hindi magpapatalo nang dahil lang sa mga kamalasan na nangyayari. Tssh!

_______________________________


Dahil suspended naman ako umalis na ako ng campus, bago ako umuwi sa bahay naisipan kong dumiretso sa restaurant nila Sir Ravil. Alam kong ibabalita ni Ma'am Cassy sa kanila na ang scholar nya ay may ginawang masama. Tss.

Pagpasok ko ng restaurant nakita agad ako ni Ma'am Charlene.

"Garnett?"- lumapit sya sa akin at ngumiti

"M-Magandang umaga po Ma'am, may gusto lang po sana akong sabihin."- pag aalangan ko pang sabi

"I think we already know na."- she said, nagulat naman ako .. Ibig sabihin?

"Tumawag kanina si Cassy ang president ng campus. Ibinalita nya sa amin ang nangyari."

Napayuko agad ako.

"M-Ma'am .. s-sorry po talaga, hindi ko po sinasadya 'yon. Hindi ko po intensyon na ipahiya kayo dahil sa nagawa ko, s-sorry po talaga ... humihingi po talaga ako ng pasensya."- unti unti akong napapaiyak pero pinipigilan ko.

Nadinig kong napahinga ng malalim si Ma'am Charlene kaya marahan akong napatingin sa kanya. Hindi ko na makaya, nakakaramdam ako ng hiya dahil ang pasaway ko. Sila ang nagpapaaral at nagbibigay ng allowance sa akin pero binibigo ko sila ngayon.

Love GeniusWhere stories live. Discover now