Chapter 36

446 31 5
                                    

[Chapter 36]




Agad na umupo si Raven sa tabi ko, i mean syempre may space. Kahit hindi ako nakatingin alam kong nakatitig sa akin si Raven. Tsk, naiilang tuloy ako.

"Ahm Deanne, two order pa."- utos ni Sir Ravil.

Tumingin ako kay George medyo nakayuko lang siya. Naisipan ko namang umusod ng konti palapit sa upuan ni George, napatingin naman ako kay Raven na gumaya rin at palapit naman sa pwesto ko.

Tss?

Hindi ko nalang siya pinansin at kumain nalang ulit.

May nakita naman akong crab food sa lamesa na hindi ginagalaw ni George.

"George gusto mo nito?"- kinuha ko yung alimasag.

"H-Ha?"- medyo nabigla si George.

"Pag-himayin kita ha."- i said

Narinig kong napa-tss si Raven, tss bahala ka dyan oy.

"H-Huwag na, marurumihan pa yung kamay mo."- George said

"Okay lang."- i smiled at him

"Baby i like this."- dinig kong sabi ni Sarrah.

Napatingin ako sa kanila saglit, nakatingin parin sa akin si Raven habang si Sarrahn nakapulupot sa braso nya.

Hindi ko nalang sila pinansin at ipinagpatuloy nalang ang pag-himay ng seafood para kay George.

Pagkatapos kong balatan at makuha yung mga laman ng alimasag binigay ko na kay George.

"Don't worry malinis naman yung kamay ko."- i smiled

Natawa ng mahina si George at kumuha ng laman ng alimasag, agad nya itong kinain. Napatingin naman ako sa kamay ko gosh, i need tissue.

Nagulat naman ako nang biglang kinuha ni Raven yung kamay ko sabay punas nya gamit ang isang panyo na medyo basa.

"A-Ano bang ginagawa mo?"- mahina kong tanong, pinipilit kong bawiin yung dalawang kamay ko pero masyadong mahigpit yung pagkakahawak niya.

"Pinupunasan ko ang kamay mo."- sabi nya habang habang ginagawa 'yon.

Pinipilit kong tanggalin pero ayaw nya talaga, tumitig pa siya sa akin ng seryoso habang pinupunasan ang kamay ko. Napapalunok ako ng wala sa oras.

"E-Excuse me."- napatingin ako kay George na biglang nagmadaling tumayo at pumunta sa restroom.

Wait?

Pinilit kong tanggalin yung dalawang kamay ko sa pagkakahawak ni Raven, binitawan naman niya 'yon agad.

Tumayo ako at agad sumunod kay George, pagpasok ko sa restroom nakita ko agad si George na halatang nahihirapang huminga habang hawak ang lalamunan nya.


"G-George!"- lumapit agad ako sa kanya

Namumutla na siya.

"G-George anong nangyari?! B-Bakit ka nagkakaganyan?! George!"- hindi ako mapakali, tumayo ako at agad lumabas.

Tumakbo ako palapit kay Sir Ravil ..

"S-Sir, kailangan ko po ng tulong .."- nanginginig ang buong katawan ko.





(RAVEN POV)

"S-Sir, kailangan ko po ng tulong .."- pansin ko ang panginginig ng katawan ni Garnett, what happened?!

Love GeniusWhere stories live. Discover now