Chapter 43

492 34 15
                                    

[Chapter 43]


(GARNETT POV)

Saktong 7pm pag-labas ko ng restaurant sinalubong ako ni George. Hanggang ngayon hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanya ang tungkol sa aming dalawa ngayon ni Raven.

"Kumusta ang trabaho?"- he ask me

Ngumiti ako sa kanya.

"Okay naman, ikaw kumusta?"

"Hmm ayun nakakapagod, pero ngayon nawala dahil nakita kita."

Napapangiti naman ako, ibang klase talaga siya bumanat. S-Siguro heto yung mamimiss ko sa kanya.

"Ano? Let's go? Siguradong hinihintay na tayo ni Joji."

Tumango ako at ngumiti.

After that ..

Habang naglalakad kaming dalawa tahimik lang, hindi ko maiwasang masaktan ngayon dahil hindi ko talaga alam kung dapat ko na bang sabihin sa kanya o huwag muna.

Pero ayokong habang tumatagal mas umasa pa siya.

P-Pero ayoko rin siyang saktan ..

"Alam mo .. sa tuwing nakikita kita palagi akong napapatingin sa suot mong kwintas, kapag nakikita kong suot mo 'yan .. mas sumasaya ako dahil alam kong hanggang ngayon may tiwala ka parin sa akin na hihintayin kita hanggang sa gumaraduate ka."

Napalunok ako ng simple at ngumiti sa kanya.

"Thank you for giving me a second chance, hindi ko hahayan na masira ang tiwala mo sa akin."- he said

Pakiramdam ko maiiyak ako ..

Ang sakit sa pakiramdam ..

May isa akong taong pinapaasa ngayon at nasasaktan ako dahil nasasaktan ko sya.

"Ahm George, m-may sasabihin ako sa'yo."

Huminto kami sa paglakad.

"A-Ahm ano kasi .."



*ring.ring.ring.*


May tumatawag sa phone nya. Pagtingin nya sa phone nya napatingin siya sa akin.

"W-Wait lang ha."- pagkasabi nya nun sinagot nya yung call

"Hello?..........w-what?!......sige pupunta na ko dyan!"

"Ano 'yon, George?"

"S-Sorry Garnett, pero si Mama."

"Bakit anong nangyari?"

Unti-unti na siyang naiiyak.

"T-Tara na!"- hinila ko na siya paalis para pumunta sa hospital.

_________________________________

Pagdating namin sa hospital nakita agad namin si Joji na iyak ng iyak sa lobby, nang makita nya kami agad siyang tumakbo palapit kay George.

"K-Kuya.....si m-mama...."

"Anong nangyari kay Mama? ha?"- pinupunasan ni George ang mukha ng kapatid nya.

"Sabi ng...d-doctor.....wala na daw po si ..m-mama...k-kuyaaaa...."- iyak ng iyak si Joji.

Hindi ko narin mapigilang hindi umiyak, niyakap ni George si Joji at nagmadali na kaming pumunta sa room ng Mama nya. Pagdating namin doon halos mapahinto at hindi makapagsalita si George, tumutulo ang mga luha niya. S-Sobrang sakit .. pati ako nasasaktan na nakikita siyang lumuluha ngayon dahil wala na ang Mama nya.

Love GeniusWhere stories live. Discover now