Chapter 37

437 31 4
                                    

[Chapter 37]

*****


OUTSIDE SCHOOL ACTIVITY

Nasa-iisang sasakyan kami ngayon papunta sa Smart Araneta. Doon kasi gaganapin ang activity ng ibat-ibang paaralan sa buong NCR.

Napapalunok ako at napapahinga ng malalim, medyo kinakabahan ako dahil ang kasama ko lang ngayon is ilang mga teachers, si Mrs. Cruz at syempre ang anak niyang si Sarrah kasama narin si Raven. Syempre support sa jowa niya!

Hindi ko alam pero hindi na sila nagulat nang malaman nilang may card invitation ako at ako na ulit ang makakasali sa activity. Siguro nai-open narin sa kanila 'yon ni Raven.

Napatingin ako sa unahan, sinandal ni Sarrah ang ulo niya sa balikat ni Raven. Umiwas nalang ako ng tingin at tumingin nalang sa labas ng bintana.

Hays!


*vibrate*

Pag-check ko ng phone ko may message from George.

' From: George

Goodluck Garnett, alam kong kaya mo yan. :)

Napangiti naman ako.

' To: George

Thank you. :)

sent /

Pag-angat ko ng ulo ko saktong nagtama ang mga mata namin ni Raven, nakatingin siya sa akin sa pamamagitan ng maliit na salamin sa harap nila.

Napaiwas naman agad ako ng tingin at napahinga ng malalim.

Hays Garnett mag focus ka. Kailangan mong manalo para mailaban sa National. Huwag ka munang magpapa-apekto sa sitwasyon niyo ni Raven.



Forward!

Nung nandito na kami sa venue, iniwan kaming dalawa ni Sarrah dito sa isang room. Dito daw kami mag-review at mag-ayos para sa sarili.

Nakaupo lang kaming dalawa ni Sarrah, si Sarrah busy sa kakakalikot sa cellphone niya. Napailing naman ako, tss ibang klase. Kinuha ko yung notes ko at nag-review nalang.

"Ano 'yan?"

Tumingin ako sa kanya.

"Notebook."

She rolled her eyes.

"I know Garnett, but you need to review pa? Eh hindi ba matalino ka?"

Tss, walang kwenta. Isip bata!

"Kung gusto mong manalo mamaya sa mga quiz bee, exam, o iba pang activity sumilip ka rin sa notebook mo."- pagkasabi ko nun inirapan ko siya at nag-review nalang.

"Freaky."- dinig kong sabi niya, tss.

Hindi ko na siya pinansin at nag-review nalang.

"Garnett? Sarrah?"

Napatingin naman ako sa tumawag sa amin. Si Ma'am Ablola.

"Lumabas muna kayo diyan, kumain muna kayo."

"No thanks, Ma'am."- Sarrah said

"Sure ka?"

"Yes Ma'am, i'm not gutom naman po kasi."

"Ikaw Garnett?"

"Sige po."- i said

Tinabi ko muna yung mga gamit ko at agad na lumabas.

Love GeniusWhere stories live. Discover now