Chapter 16

712 40 10
                                    

[Chapter 6]


Habang nagkaklase yung teacher namin pasimple akong tumitingin kay Raven, ang sungit ng mukha nya habang naka-focus lang sa lecture.

Tsk, nakakainis! Mahal kita, Raven! Kung alam mo lang, matagal na! I-I mean hindi naman nawala ang feelings ko para sa'yo eh. Hays Garnett ano ba?!

Napahinga ako ng malalim at napasandal sa upuan, mahal ko si Raven.

Pero paano si George?

Si George ang unang umamin sa akin na gusto nya ako at sinabi nya sa akin na hihintayin nya ang magiging sagot ko. Hays!




BREAKTIME

Habang nag-aayos ako ng gamit napatingin ako kay Raven na dire-diretso lang sa paglabas ng classroom. Tss!

"Nag-away ba kayo?"- Hazel ask

Tumingin ako sa tatlo at umiling lang, lumapit naman sila sa akin.

"Bakit parang warla na naman kayo ni Raven?"- Elisha ask

"Ewan ko sa kanya."- i said

"Hay nako, para na talaga kayong mag-jowa girl."- Ami said

Napahinga nalang ulit ako ng malalim at hindi na nagsalita. Pagpunta namin sa canteen napa-tingin agad ako sa gilid sa pwesto nila Raven. Medyo nainis ako dahil kasama nila sila Sarrah and take note katabi pa nya si Sarrah.

Tumingin sa akin si Raven, napa-rolled eyes naman ako sa sobrang inis at hindi nalang sila pinansin.

"Sa labas nalang tayo kumain."- aya ko sa tatlo

"Bakit naman?"- Hazel ask

"Ah umiiwas ka sa kanila girl? No way! Dapat tapatan mo sila ngayon."- Elisha said

"Garnett."

Napalingon naman ako, si George.

"Oh George?"- i ask

"Kumain kana ba?"- he ask

Napatigil at napatingin ako kila Raven, nakatingin sya sa amin. Napalunok ako, gantihan lang tayo dude.

Ngumiti ako kay George.

"Tara sa labas nalang tayo kumain."- aya ko kay George.

Ngumiti lang si George at tumango. Tumingin naman ako sa tatlo, sinenyasan nila ako na gorabels na. Siguro parang nagegets rin nila yung ginagawa ko.

Habang papalabas kami ni George ng canteen tumingin ulit ako saglit kay Raven, hindi naman na sya nakatingin sa amin.

Tss?

Habang naglalakad kami napapasimangot ako, hindi ko alam pero nababatrip ako ngayon.

Ganito ba talaga ang pakiramdam kapag inlove ka? Hindi ba kapag inlove ka dapat masaya ka?! Pero hays ..

Oo. Masaya ako dahil yung lalaking gusto ko, gusto narin ako pero bakit naman ganun? Kung kailan nangyari na 'yon, parang hindi ko na alam ang gagawin ko? Hays!

"Garnett?"

Natauhan naman ako at biglang napa-tingin kay George.

"O-Oh? May sinasabi kaba?"- i ask

Ngumiti naman sya at umiling. May naalala naman ako bigla.

"By the way, kumusta na ang Mama mo?"- i ask

"Ayun, okay naman na sya."- nakangiti lang sya ng matipid, hindi ako sanay. Feeling ko ang lungkot nya, ramdam na ramdam ko 'yon.

"Eh ikaw? Kumusta kana?"- marahan na tanong ko sa kanya.

Love GeniusOù les histoires vivent. Découvrez maintenant