Chapter 41

487 25 23
                                    

[Chapter 41]


(CRISTINA POV)

Agad kong sinundan si Jerome pagkatapos siyang pag-tulakan nila Elisha, k-kahit masakit sa akin ang malaman na may nangyari sa kanila. K-Kahit na masakit para sa akin na marinig mula kay Jerome na gusto nyang pakasalan si Hazel.

K-Kahit masakit, nag-aalala parin ako para sa kanya. Nag-aalala ako dahil mahal ko siya.

Napahinto ako nang makita ko siyang huminto sa gitna ng kalsada, halos manlaki ang dalawang mata ko nang may papasalubong sa kanya na sasakyan.

"J-Jerome .. JEROME!!!"

Agad akong tumakbo palapit sa kanya at agad siyang tinulak. Pero napahinto ako nang makita kong papasalubong sa akin ang sasakyan.




"CRISTINA!!!"

__________________________________


Marahan akong napapadilat .. a-ang sakit ng katawan at ulo ko.

"C-Cristina, Cristina!"

Napatingin ako sa gilid ko. Halos mapangiti ako.

"J-Jerome? H-Hindi mo ko iniwan?"

Umiling siya at hinawakan ang kamay ko.

"B-Bakit mo ginawa 'yon? Dapat hinayaan mo nalang akong masagasaan sa daan! Dahil napaka-gago ko sa inyong dalawa ni Hazel, n-nasasaktan ko kayong dalawa .."

Ngumiti naman ako ng marahan at hinawakan ang kamay niya.

"H-Huwag kang mag-alala, ayos lang ako. P-Pinapalaya na kita .."

Nabigla siya sa sinabi ko.

"Babalik na ako sa states, h-huwag kang mag-alala .. ako ang gagawa ng paraan para hindi na matuloy ang kasal."

"C-Cristina?"

"I-Ipaglaban mo si Hazel, humingi ka ng tawad sa kanya. A-Alam ko hindi ka niya matitiis dahil mahal ka niya."

S-Sobrang sakit ..

Pero heto ang dapat na gawin, ipaubaya ko siya sa babaeng mahal niya.


Forward!

Maya-maya umalis muna si Jerome at bumili ng pagkain, mabuti at hindi naman ako napuruhan. Hays!

Nakatitig lang ako sa kisame at ngumiti ng bahagya. Maging masaya ka nalang para sa kanilang dalawa Cristina .. ang importante wala ng mangyayaring sakit, magiging masaya na ang lahat. Magiging malaya na si Jerome at makikita ko na ulit ang mga totoong ngiti niya.

"Hi Ms. Cristina, how are you?"

Napatingin naman ako sa Doctor na lumapit sa akin, umupo naman agad ako ng marahan.

"Doc okay naman na po ang pakiramdam ko, hmm pwede na po ba ako makapag-discharge?"

"Don't worry Cristina, ayos naman ang lagay mo at pwede ka ng umuwi. Mabuti rin at hindi nalaglag ang dinadala mo."

Halos mapatigil ako sa gulat nang marinig ko 'yon mula kay Doc.

"H-Ho?"

Ngumiti si Doc sa akin.

"You don't know? You're two weeks pregnant."

Automatic na tumulo ang mga luha ko.

H-Hindi pwede 'to ..


Love GeniusWhere stories live. Discover now