Chapter 39

459 32 8
                                    

[Chapter 39]


Inayos ko ang sarili ko at bumaba mula sa sasakyan, nakita ko agad si George sa hindi kalayuan. Huminga ako ng malalim at lumapit sa kanya.

"Garnett? Garnett are you okay?"- pag aalala nyang tanong.

Pagka-lapit ko sa kanya agad akong napayakap ng mahigpit, napapahagulgol ako ng iyak. Gusto kong ilabas ang lahat ng sakit, s-sobrang sakit.

"A-Anong nangyari?"

Hindi ko siya sinagot. Naramdaman kong niyakap nalang rin niya ako ng sobrang higpit. N-Ngayon napapatunayan ko parin sa sarili ko, m-mahal ko parin siya .. m-mahal ko parin si Raven .. at kahit kailan hindi naman nawala ang pag-mamahal na 'yon. Sobrang sakit, parang dinudurog ang puso ko.



(RAVEN POV)

Agad akong pumunta sa room ni Sarrah ..

"Raven? Saan ka ba galing kanina pa kita hinahanap."

Lumapit ako sa kanya at agad siyang hinawakan ng mahigpit sa wirst niya.

"Sabihin mo, ikaw ba ang may kagagawan ng pag-set up kay Garnett? ha?!"

"A-Ano ba?! Nasasaktan ako!"

"Just answer my question, Sarrah! Ikaw ba ang ang nag-lagay ng mga question and answers sheet sa bag ni Garnett?!"

Napatigil siya at tinitigan ako ng mabuti.

"Oo ako! Ako nga Raven!"

"Bakit mo 'yon ginawa?!"- binitawan ko na siya.

"Dahil naiinis ako sa kanya! Pinahiya niya ako sa harap ng maraming tao!"

"Walang nagpapahiya sa'yo! Kasalanan mo kung bakit ka natalo! Please stop?! Ginagawa ko naman ang mga inuutos niyo ha?! Nagawa kong makipag-hiwalay sa kanya nang dahil sa inyo! Akala niya sinaktan at niloko ko siya nang dahil sa inyo!"

"Wala akong pakielam kung anong mangyari sa kanya! Gusto ko siyang mawala sa landas ko!"

Napapailing ako sa kanya.

"Nababaliw ka na!"

"No. I'm not!"

"You are crazy, you know what?! Ayoko na!"

"W-What? Raven what do you mean?!"

"Ayoko na! Ayoko nang makipag-lokohan sa inyong mag-ina!"- pagkasabi ko nun lumabas na agad ako mula sa room.

Halos mapatiklop ako ng dalawang kamay habang naglalakad. Napahinto naman ako nang makita ko bigla sila George at Garnett.

Fvck?!

___________________________________


FORWARD

"Pare tama na, baka mamaya malasing kana naman nyan eh."- Arvin said

Hindi ko siya pinakinggan, ininom ko yung isang bote ng alak.

"Pare may problema ba? Pwede nating pag-usapan 'yan."- Calvin said

Umiling lang ako.

"Don't mind me."- i said seriously

After that, pagka-uwi ko sa bahay saktong papasok rin si Daddy. Napapatiklop ang mga kamao ko sa sobrang galit.

"Raven?"

Huminga ako ng malalim at nagdiretso pasok sa loob.

"Raven?!"

Huminto ako at humarap sa kanya.

Love GeniusWhere stories live. Discover now