Chapter 42

478 31 29
                                    

[Chapter 42]


___________________________________


(HAZEL POV)

"

Paano? Papasok na ako sa restaurant."- paalam sa akin ni Garnett.

"Sige ingat ka ha."

Tumango sya at ngumiti tapos umalis na.

Napahinga naman ako ng malalim, hays! Hindi ako sanay na hindi ko kasabay yung dalawa umuwi. Napatingin naman ako bigla sa gilid, nabigla ako nang makita ko si Cristina na nagsusuka.

Hindi ako nagdalawang isip na lumapit sa kanya.

"Cristina? Cristina ayos ka lang ba?"

Napatingin siya sa akin.

"I-Ikaw pala Hazel, yeah .. i-i'm----"- bigla siyang hinimatay.

"C-Cristina!"- agad akong lumapit sa kanya.

"Tulong! Tulungan nyo ko!"

"Hazel?! Cristina?!"- tumakbo siya palapit sa amin

Si Jerome.

"Anong nangyari sa kanya?!"- pag aalala nyang tanong na medyong ikinabigla ko.

"Jerome dalhin natin siya sa clinic bilis!"- i said

Agad na binuhat ni Jerome si Cristina papasok ulit sa loob, kitang-kitang ko ang pag-aalala ni Jerome sa kanya.

Pagdating sa clinic inasikaso naman agad si Cristina ng mga nurse. Hays, napaupo ako sa upuan. Tumingin ako kay Jerome, palakad-lakad siya at halatang hindi mapakali.

T-Totoo ba 'tong kutob ko? N-Nag aalala ba siya kay Cristina? Hindi naman masamang mag-alala sa isang tao, p-pero bakit ang sakit?

Napatingin siya sa akin bigla, napaiwas ako ng tingin.

"Are you okay?"- he ask me

Umupo siya sa tabi ko.

"Hazel, hindi ko alam kung mapapatawad mo pa ako pagkatapos ng ginawa ko sa'yo. B-But remember this, mahal kita."

"You're right, i dont know kung mapapatawad pa kita."

Kahit hindi ako nakatingin, alam kong tumingin siya sa akin.

Huminga ako ng malalim.

"Alam mo yung mahal kita? Pero may parte sa puso ko na nagsasabing huwag kitang mahalin? H-Hindi ko alam Jerome .. mahal kita pero mas pipiliin kong masaktan kaysa may masaktan na iba nang dahil sa mahal kita."

"Isa lang ang ibig sabihin ng mga sinasabi mo sa akin ngayon, you don't love me anymore .."

Napayuko ako at napahawak ng mahigpit sa magkabilang kamay ko.

S-Sobrang sakit ..

Kung alam mo lang kung gaano kita kamahal ..

"Mahal kita, pero sa pagkakataon na 'to, hindi kita pwedeng mahalin."- pagkasabi ko nun tumayo ako. "Mauuna na ako, huwag mo siyang iiwan."- after that, tuluyan na akong umalis.

Tuluyan na ring bumagsak ang mga luha ko ..


(JEROME POV)

"Mahal kita, pero sa pagkakataon na'to, hindi kita pwedeng mahalin."- marahan niyang sambit

Tuluyan nang namuo ang luha sa mga mata ko habang nakatingin sa kanya. Sobrang sakit, sobrang bigat sa pakiramdam.

Love GeniusWhere stories live. Discover now