Chapter 23

457 28 0
                                    

[Chapter 23]

(HAZEL POV)

Inabot na kami ng ilang oras dito.

"Whooaaa inom pa tayoooooo!"- pangungulit ni Garnett.

Tsk, ito na nga ba ang sinasabi ko eh.

"Garnett gusto mo ba umuwi na tayo?"- i ask

"Noooooo, bakit tayo uuwi ha? Hindi pa tayo tapos uminom eh."- medyo lasing na sya.

Tumingin ako sa dalawa.

"Don't worry Hazel hindi kami magpapaka-lasing."- Elisha said

Napahinga nalang ako ng malalim.

"Oh sige bantayan nyo 'tong si Garnett, magba-banyo lang ako."- paalam ko sa kanila tapos tumayo at umalis muna ako doon.

Pagpasok ko sa loob nilibot ko yung paningin ko, saan kaya cr dito? May nakita naman akong isang maid na naglilinis ng mga flower base, lumapit ako sa kanya.

"Ah manang tanong lang ho, saan po ang cr dito?"- i ask

"Doon po ma'am diretso lang po kayo tapos kanan."

"Salamat po."- i smiled tapos nagmadali na akong naglakad.

Pagliko ko sa kanan napahinto ako bigla. Saktong nakita ng dalawang mata ko kung paano halikan ni Jerome si Cristina.

Pakiramdam ko parang nadurog ang puso ko. A-Alam kong wala akong karapatang masaktan, p-pero ..

Marahan akong nagtago at napasandal sa pader. Bakit ako naiiyak???!

Pinupunasan ko ang dalawang mata ko pero ayaw parin, panay parin bagsak ang mga luha ko.

Hazel tumigil kana, sa una palang naman ikaw lang ang may pag-tingin sa kanya eh. Huwag kang maniwala na gusto karin nya, dahil hindi 'yon totoo. Hindi 'yon totoo dahil may nakatadhana na para sa kanya.

Inayos ko ang sarili ko at bumalik nalang ulit sa rooftop, pagbalik ko halos magulat naman ako dahil tahimik sila. Pagtingin ko nandito na pala si Raven, but wait?!!!

Ano 'to?!!!



(GARNETT POV)

Kinuha ko yung bote ng beer at tumayo. Tsk! Nakakainis talaga! Kapag nakita ko yang si Raven, sasabunutan ko talaga sya! Tsh!

"Huy saan ka pupunta? Hilo kana oh."- Calvin said

"Wala kang pakeeee!"

Kahit medyo nahihilo ako hindi naman ako lasing para hindi alam ang mga ginagawa ko.

Pababa na sana ako sa hagdan nang mapahinto ako bigla. Hindi ko alam pero parang natauhan ako bigla sa kinatatayuan ko.

"Bakit nandito yang babaeng 'yan babe?!"- angal ni Sarrah.

Nakatingin lang kami sa isat-isa ni Raven, seryoso lang syang nakatingin sa akin habang nakapulupot sa braso nya si Sarrah.

Anong meron?

May nagawa ba akong mali?

M-May nagawa ba akong kasalanan?

Bakit nya nagawang mag-sinungaling sa akin?!

Napapangise ako na naiiyak, umatras ako at naglakad pabalik.

"Garnett .."




*PAAAAKKKKK*



Sinampal ko sya. Nasampal ko siya sa sobrang sakit.

"Bakit kailangan mo kong lokohin? ha?!"- tuluyan ng bumagsak ang mga luha ko.

Love GeniusМесто, где живут истории. Откройте их для себя