Chapter 27

428 27 0
                                    

[Chapter 27]


(GARNETT POV)

Saktong palabas na ako ng restaurant nang makita ko agad si George nakaabang na sa akin mula sa hindi kalayuan. Nagka-ngitian kaming dalawa, lumapit ako sa kanya.

"Kanina ka pa nag-hihintay?"- i ask

"No, kadarating ko lang din."

"So ano? Saan tayo pupunta?"- nakangiti kong tanong sa kanya.

"Hmm sa park? Kain nalang tayo ng kung ano-ano doon."- he said sabay tawa nya.

Natawa nalang ako at tumango tapos naglakad na kami paalis. Habang naglalakad medyo tumahimik. Tumingin ako sa kanya at huminga ng malalim.

"Kumusta na pala ang Mama mo?"

Nakita ko naman na napalunok sya.

"Aaminin ko, medyo palala ng palala ang sakit nya. Pero hindi ako nawawalan ng pag-asa."

Ang lungkot ng mukha nya, pati ako nalulungkot narin.

"Huwag kang mag-alala, isasama ko sa pagdarasal ang Mama mo. Gagaling rin sya, tiwala lang."

Tumingin naman sya sa akin at napangiti ng simple. Pagkadating namin sa park bumili agad siya ng mga pagkain then umupo muna kami sa upuan sa ilalim ng puno.

"Hmm kumusta na kayo?"- biglang tanong nya, nagets ko naman agad kung sino yung tinutukoy nya.

"Ayun it's a prank."- sabay tawa ko

Napasalubong ang dalawang kilay nya.

"What do you mean?"

Napaseryoso na ako bigla.

"Katulad ng dati, niloko nya lang ulit ako."

"What?!"

Tumingin ako sa kanya.

"Wala na kami kaya hayaan mo na."

"I'm sorry."- he said

"For what?"

"Dahil isinuko kita kaagad sa kanya."

Napatigil ako sa sinabi nya.

"S-Siguro kung hindi ako sumuko agad, hindi ka nasasaktan ngayon nang dahil sa kanya."

Natutuwa ako dahil ganito ang nararamdam ni George para sa akin, pero nagi-guilt ako dahil kasalanan ko naman talaga kung bakit ako nasasaktan ngayon. D-Dahil hindi ko siya pinili, kung pwede lang sabihan ang puso kung sino ang dapat mahalin nito ginawa ko na, pero hindi pwede eh, dahil mahirap.


______________________________

EXAMS WEEK

After one week na hindi nakakapasok sa school, sa wakas! Sa wakas at nakabalik narin ako. Whooooaaaaa! This is it Garnett, first day of exam kaya galingan mo!

"Are you ready to comeback, Garnett?"- Elisha ask

Tumingin ako sa tatlo at tumango, inayos ko ang eye glasses ko. Good luck Garnett!

Katulad ng dati, sabay kaming apat na tumapak papasok sa loob ng campus. Na ganito ang look, na dating kami. Na bilang Tropang Freaks.

Simula ngayon ipinapangako naming apat na magpo-focus lang kami sa study at hindi sa iba habang hindi pa kami nakaka-graduate. Kaya pangako ko rin sa sarili ko na sa pag-aaral na muna ulit ako tututok.

Love GeniusWhere stories live. Discover now