Chapter 33

480 29 5
                                    

[Chapter 33]

Pagkabalik namin sa loob may naalala naman ako bigla kaya tumingin ako sa tatlo.

"Mauna na kayo sa classroom."

"Bakit? Saan ka pupunta?"- Hazel ask

"May aasikasuhin lang ako."

"Oh sige, balik ka agad ha."- Elisha said

Tumango nalang ako, pumunta ako sa office ni Mrs. Cruz, pagpunta ko doon kumatok muna ko then pumasok na ako sa loob.

"Oh? Ms. Sardoncillo?"- she ask

Napahinga ako ng malalim at lumapit sa kanya.

"M-Ma'am may gusto po sana akong sabihin."

"Sige lang."- sabi nya habang nagsusulat

"Kahapon po kasi .. s-sinira ni Sarrah yung card invitation ko for the activity next week."

Napahinto sya sa pagsulat, tapos tumingin sya sa akin.

"So sinisisi mo ang anak ko kung bakit nasira ang invitation mo?!"- galit na agad sya

"H-Hindi naman po sa ganun, Ma'am. Pero ang inaalala ko po is paano po kung hindi ako makarating sa activity?"

She smirk then tumayo sya.

"Simple lang, madi-disappoint ang mga nag-papaaral sa'yo. Doon nila makikita at marerealize na wala kang kwentang pag-aralin sa eskwelahan na ito."

Napatigil ako sa sinabi nya at hindi na ako nakapag-salita, halos mapatiklop ang dalawang kamay ko sa sobrang galit na nararamdaman ko. Kasalanan naman talaga ng bruha nyang anak 'yon eh!

"Kung wala ka ng invitation, si Sarrah ang ipapalit ko sa'yo."

Nagulat naman ako sa sinabi nya.

"H-Ho? Pero ang sabi nyo dalawa lang po ang invitation card?"

"Come on Garnett, Sarrah is my daughter. Bilang Mommy nya karapatan kong mapaganda ang image ng anak ko."

Nalilito ako sa sinabi nya.

"I-Ibig sabihin po ba may--"

"Yes. May isa pang invitation card at para na lamang 'yon sa anak ko. So kung wala na ang invitation card mo, mas mabuting huwg ka ng pumunta sa activity."


(CRISTINA POV)

Tahimik lang kami ni Jerome habang kumakain dito sa canteen, pinagmamasdan ko lang siya. Hanggang ngayon hindi ko parin makalimutan ang mga nadinig ko mula sa kanilang dalawa ni Hazel.

Sobrang bigat sa pakiramdam.

He looked at me ..

"Are you okay?"- he ask

I smiled slight.

"Yeah i'm ok, i-am-very ok."- i said

He smiled slight then tumango nalang sya at ipinagpatuloy ang pagkain.





"Gusto mong mapunta talaga sa'yo si Jerome? Then join the our group."

"Tutulungan kita, maraming paraan para maangkin mo siya. Para hindi na maangkin pa ng iba."- she smirk



Napalunok ako nang maalala ang mga offer ni Sarrah.

M-Matutulungan nya ako?

"Hindi mo ginagalaw ang pagkain mo."- Jerome said

"Wala akong gana."- napahinga ako ng malalim.

"Why? Hindi ka naman ganyan dati?"

Tumingin ako ng seryoso sa kanya.

Love GeniusWhere stories live. Discover now