Chapter 32

432 29 1
                                    

[Chapter 32]



"Ano na George? Siguro pinilit mo si Garnett no?"- pangungulit ni Ami.

Tumingin naman sa akin si George, halatang hindi nya alam kung ano bang sasabihin nya o nahihiya sya.

Tumayo ako.

"Gusto kong sabihin na hindi nya ako pinilit pasuotin itong necklace."- i said

Napatigil agad yung dalawa at napatingin sa akin, medyo shocks sila.

"Hindi nga? Pero may promise tayong apat hindi ba?"- Elisha ask

"Yes. Hindi ko 'yan kinalilimutan. Pumayag ako isuot itong kwintas dahil may tiwala ako kay George."- i said then tumingin ako sa kanya.

"Mag-hihintay sya at habang ginagawa nya 'yon .. makikilala ko siya ng mas lubos."- i smiled slight

Tumingin ako sa dalawa.

"Kaya huwag nyo na syang kulitin, kailangan nya ng umuwi."

Wala naman silang magawa kundi mapatango nalang. Napangiti nalang ako. After that hinatid ko na si George sa labas.

"Pagpa-sensyahan mo na yung tatlo ha, lalo na yung dalawa."

Natawa naman sya ng konti.

"Okay lang, alam ko namang nagwo-worry lang sila sa'yo."

Tumango ako at ngumiti.

"Pero salamat ha, salamat dahil pinayagan mo akong mag-hintay para sa'yo."

I smiled ..

"Sana hindi na ako magka-mali ngayon ng pipilin."- i said

Unti-unti kaming nagiging seryoso.

"Patutunayan ko sa'yo na sa una palang, ako na dapat ang pinili mo at hindi siya."- he said

Dahil naman sa mga sinasabi nya mas lalo ko syang nagugustuhan ngayon.




Forward!

(HAZEL POV)

K

inabukasan habang naglalakad kaming apat papasok sa gate nang makasabay namin si Cristina na siya lang ang mag-isa.

"Hi guys."- bati nya sa amin

Ngumiti lang ako sa kanya at tumango ng marahan.

"Hello Cristina."- Garnett said

"Ikaw lang ata ang mag-isa? Nasaan si Jerome?"- Elisha ask

"Ah mali-late sya ngayon eh, inaasikaso nya na kasi yung engagement party namin next month."

Agad akong napatingin kay Cristina nang marinig ko 'yon. T-Totoo ba yung nadinig ko? Engagement party na nila sa susunod na buwan?

"Are you okay?"- she ask me

"H-Ha? O-Oo naman."- ngumiti ako ng pilet.

"Bakit ang aga naman ata ng engagement party nyo?"- Ami ask

"Actually dapat last year pa 'yon nauudlot lang, pero ngayon ..."- tumingin muna sa akin si Cristina. "Si Jerome na mismo ang nagmamadali na makasal sa akin."- pagpatuloy nya.

Halos para akong nanigas sa kinatatayuan ko, h-hindi ako makapaniwala. H-Heto ang gusto mo Hazel hindi ba? Ikaw ang nagpalayo sa kanya sa'yo remember?! Tss!



Love GeniusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon