Chapter 35

465 32 8
                                    

[Chapter 35]


"No."- seryosong sabi nya then tumayo sya at pumunta sa kusina.

Napailing at napahinga ako ng malalim. Tsk!

Wala akong magawa kundi maupo lang dito at hintayin siya, masyadong hindi ako makakakilos dahil masakit talaga ang buong katawan at ulo ko, idagdag pa itong pagkahilo-hilo ko. Tsk!

"Here."- pagtingin ko sa kanya may dala siyang tubig then noodles.

"Saan galing yan?"

"Sa lamesa ko lang nakita, kainin mo na 'to then take your medicine."

Napapatingin nalang ako sa kanya.

"Hindi ako nagugutom."- i said

"Really? But kailangan mong uminom ng gamot, try it."- inilapit nya sa akin yung noodles

Umiling ako.

"Seryoso ako, hindi ako nagugutom."

Napahinga naman sya ng malalim.

"Ok , wait for me. I'll buy paracetamol nalang for you."- tumayo sya at agad umalis.

Napa-tsk ako at napahawak sa noo ko, hays hindi ko na kaya gusto ko nang humiga at matulog ulit.

Dahil nga sa hindi ko na kaya, humiga muna ako dito sa sofa.



(JEROME POV)

"I'm here---"

Napahinto naman ako sa pintuan nang makita ko siyang tulog sa sofa. Napangiti naman ako at marahan na lumapit sa kanya.

Hindi mawala ang ngiti sa mga labi ko, ganito pala ang pakiramdam kapag natititigan ko siya ng matagal. Parang nakakakilig at ang saya.

Iniligpit ko muna sa lamesa yung binili kong gamot at kumuha ng upuan. Umupo ako sa tapat nya at pinapanuod syang matulog.

Pansin ko na medyo namumula siya at pinagpapawisan ang noo niya, hindi ako nagdalawang isip na maghanap ng bimpo or panyo dito sa bahay nila then kumuha narin ako ng extrang kumot.

Kinumutan ko siya ng dahan-dahan tapos pinunasan ko ang pawis nya ng marahan.

"H-Hmmp."- halatang ayaw nyang magpagising, hays .. bakit kasi nagkakasakit ka ng ganyan?

Hinawakan ko nang marahan ang mukha niya .. bakit ganito? Pinipilit mo akong layuan ka kahit alam mo sa sarili mo na mahal mo ako? M-Mahal rin kita, sabihin mo lang sa akin na layuan ko si Cristina gagawin ko 'yon dahil ikaw ang pipiliin ko.

Napatingin ako sa mga mapupulang labi nya, I don't know but unti-unti kong nilalapit ang mukha ko sa mukha nya.

Bago ko tuluyang maidampi ang mga labi ko nang bigla siyang dumilat, kung kaya't napahinto ako. Walang kumukurap sa aming dalawa.

Tatayo na sana siya nang pigilan ko siya bigla at agad ko siyang hinalikan.

Her lip's so warm ..

Pinipilit niya akong lumayo sa kanya pero hindi ko siya pinapansin.



(HAZEL POV)

Tatayo na sana ako nang bigla nya ulit akong inihiga at hinalikan ng madiin, nanlaki ang mga mata ko sa ginawa nya. Pinipilit ko siyang ilayo sa akin pero masyadong siyang malakas.

Masyado niyang hinihigop ang mga labi ko at mahigpit rin ang pag-hawak niya sa mukha ko. Dahil sa hina na nararamdaman ko dahil sa sakit hindi ko na nakayanang umiwas. Naramdaman ko rin ang unti-unting pag-luwag ng mga hawak sa akin ni Jerome, unti-unti niya rin akong hinahalikan ng mabagal.

Love GeniusWhere stories live. Discover now