Chapter 6 (bulilyaso)

7.4K 164 1
                                    

Sa tindahan ni Aling Biring:

24/7 ang tindahan na paborito nilang tambayan. May maluwag at bakanteng lote kasi sa tabi ng tindahan. Walang problema sa may ari na doon sila naka pwesto. Mas gusto pa nga ng may ari na si Aling Biring na nakatambay sila dun kapag gabi dahil iwas sa holdap ang tindahan niya. Biro mong ang lalaking tao ng mga nakatambay sa gilid. Takot nalang ng mag iisip gumawa ng kalokohan sa kanya. May gwardiya na siyang puro makalaglag panty , malakas pa ang benta niya. Siya man ay tagahanga ng "panty hunter".

Odyll's pov:

"Good morning po Aling Biring dyan lang po kami sa gilid nyo ha...", magalang kong paalam sa kanya.

"Ay oo sige lang... may upuan na ba kayong lahat?. Kung kulang pa eh ipaglalabas ko kayo.", sabi niya.

"Mamaya nalang po wala pa naman po sila Miggy at Raddie eh... pagbilan po muna ng sampung bote (beer) saka 1 kahang marlboro.", nakangiti kong sabi.

Lumapit si Ver at tinulungan akong buhatin ang inumin namin.

''Ang tagal nung dalawa ah, mukang itinuloy pa ata ang di ''natapos'' nitong Ver...'', nagtatawang sabi ni Andy.

"Ayan na pala si Miggy...", sabi ni Bobby.

Napatingin kami sa gawi na tinuro ni Bobby. Palapit na si Miggy sa amin.

"Hello po Aling Biring", bati niya sa tindera. Pagkatapos ay lumapit na siya sa amin.

"Asan si Raddie?.", tanong ko sa kanya sabay abot ng isang boteng beer.

"Baka naliligo pa... bulagta ba naman sa putik eh!", nagtatawa niyang sabi.

"Ano ba kasi ang ginawa nyo?.ayos na sana eh!..", natatawa na rin si Ver.

Ikinwento ni Miggy ang nangyari.....

Hagalpakan kami ng tawa..

"Tang ina, eh tanaw na tanaw nyo na ang bintana ah. Kumuha pa talaga ng tuntungan!.", tumatawa ko pa ring sabi.

"Ewan ko ba dyan kay Raddie......o ayan na pala ang tarantado.", sabi ni Miggy kaya sabay sabay kaming napalingon.

Malayo pa lang ay amoy na namin ang cologne na gamit ni Raddie.

"Putsa!, mukang pinampaligo mo na lahat ang cologne ng erpat mo ah...", banat ko agad sa kanya. Nagtatawanan pa rin kami.

"Good morning Aling Biring...", bati muna niya sa nakangiting tindera saka lumapit sa amin.

"Anak ng pating!... malay ko ba na sasabit pa ako sa sampayan eh yumuko naman ako.. kinapos siguro ako ng kalkula. Akala ko nalampasan ko na yung pahamak na sampayan na yon. Eto sapul ako!.''...Tinuro pa niya ang namumulang noo na may bakat ng nylon na sampayan. Naupo siya sa tabi ni Rudy , pagkatapos ay tinungga na ang beer na inabot ko sa kanya.

"Ang ingay nyo kasi... nai way ko na nga eh...pumupwesto na ako nag ingay pa kayo bulilyaso pa tuloy!. ", kantyaw ni Ver. Nagkatawanan na naman kami.

"Wapak yung bebot na yun pare... busog na busog!.. anu na nangyari nung tumakbo kami?.", tanong ni Miggy.

"Sinapak ako ano pa!..inaamo ko nga sana kaso umayaw na eh...sira ulo kasi kayo", sabi ni Ver.

"Pagpasensyahan mo na yang dalawang yan Ver...", tinapik tapik ko pa ang balikat niya.

"Next time di na kami mag iingay... promise!.", nakataas pa ang kamay ni Raddie na sabi.

"Iinom na lang natin ang pagka bitin nyo!..", kantyaw ni Rudy..

Nagtatawanan pa kami nang may nagdaang apat na babae. Madaling araw na eh nasa kalsada pa!..Mukang naghahamon ang mga ito ah.... nang matapat sa pinupwestuhan namin ay huminto ang apat.. Ngumiti pa....

"Hi!, saan ba kayo papunta?." ,pa cute na tanong ni Ver..

"Wala lang nag iikot lang...", sagot ng isa na naka tube na kulay pula.

"Mahihilo kayo nyan, gusto nyo dito muna kayo para makapagpahinga.", pasakalye ni Bobby. Tahimik lang kami nila Miggy, Raddie, Andy at Rudy. Hinayaan namin ang diskarte ng mga kasama namin.

"Ok lang?", pa inosenteng tanong naman ng naka mini skirt.

"Ok lang......malungkot nga kami kasi kami kami lang. Wala bang magagalit sa amin kapag kasama namin kayo?.", banat na naman ni Ver.

"Wala...", sagot nung maputi. Kaya ng lumapit na sa pwesto namin ang apat ay agad na nagtayuan sila Ver para mapaupo ang mga ka table...este...bago naming friend.

Nagkatinginan kami........ solve na ang problema ni Ver!!!....

Bumili pa kami ng beer at mapupulutan.... nag umpisa na ang inuman..........



Panty HunterWhere stories live. Discover now